READY NA BA SA INIT? Team Payaman’s Burong Shares Ways To Save Energy Amid Super El Niño

Dahil sa inaasahang epekto ng Super El Niño sa Pilipinas, mahalagang maging maingat sa ating pang araw-araw na paggamit ng kuryente. 

Kaugnay nito, ibinahagi ni Burong sa kanyang latest vlog ang ilang paraan upang makapag handa sa mas mainit na panahon at makatipid ng kuryente sa kanilang tahanan.

What to Expect from Super El Niño?

Sa kanyang vlog, tinalakay ni Aaron Macacua, a.k.a Burong, ang mga posibleng epekto ng Super El Niño sa bansa, kabilang na ang matinding init na maaaring umabot sa 45°C hanggang 50°C, water and power stress, at posibleng brownout.

Dahil dito, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagiging handa ng bawat pamilya, lalo na pagdating sa wastong paggamit ng mga resources araw-araw.

Energy Consumption Check!

Bukod sa pagtalakay sa mga epekto ng El Niño, ipinakita rin ni Burong kung paano nila ginagamit ang kuryente sa kanilang tahanan.

Napansin niya na may mga pagkakataong naiiwang bukas ang mga ilaw, aircon, at iba pang appliances kahit hindi naman ginagamit ang mga ito.

Gayunpaman, hindi rin nakaligtas si Burong sa biruan nang siya naman ang asarin ni Jaime de Guzman, a.k.a. Dudut, dahil sa pag-aaksaya rin ng kuryente.

“Hindi ka nagpapatay ng PC, ikaw yung bukas ng bukas ng ilaw. Mag-isa ka dito, bukas lahat ng ilaw mo” biro ni Dudut kay Burong.

House Rules for Energy Saving

Bilang bahagi ng kanilang paghahanda, nagdeklara si Burong ng mga bagong rules na tinawag nilang “house bill” upang mas maging disiplinado ang lahat sa paggamit ng tubig at kuryente. 

Sa unang bill, napag-usapan ang pagtitipid ng tubig. Kung saan isang timba lang ng tubig ang maaring gamitin sa pagligo ng bawat isa.

Electricity consumption naman ang ikalawang bill matapos umabot ng ₱20,000 ang kanilang electricity bill. Dito, sinita pa ni Dudut si Burong tungkol sa nakasanayan nitong pag-iwan na bukas ng PC at mga ilaw na hindi ginagamit.

Napagkasunduan din nilang magkaroon ng Earth Hour sa bahay mula 12nn hanggang 1pm upang mabawasan ang paggamit ng kuryente.

Isa rin sa kanilang paghahanda ang paggamit ng solar panels at EcoFlow bilang back-up power source sa kanilang tahanan.

 

Netizens’ Tips

Samantala, nagbahagi rin ng kani-kanilang tips ang netizens upang makatipid sa kuryente at mabawasan ang kanilang electricity bills.

@Bep1130: “Mag solar light(s) sa garahe, malaking tulong yon to save energy at sa bill na rin syempre.”

@nika77711: “Actually mas tipid ung shower, try nyo itapat sa shower ung tabo antagal nya mapuno tas andami mo na nahugasan nun compared sa tabo isang bagsak ambilis lang ng tubig sa katawan haha”

@JohnLeonardMejia: “Burs, gamitin niyo ng malaking solar panel yung ecoflow pang luto, laba or pc. sayang kasi hahaha”

Watch the full vlog below: 

Likes:
0 0
Views:
24
Article Tags:
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *