Viy Cortez, Zeinab Harake, and Ivana Alawi Go On a Wild BARKADAKIP Adventure

Isang kwelang vlog collab ang hatid ng trio nina Viy Cortez-Velasquez, Zeinab Harake-Parks, at Ivana Alawi.

Tunghayan ang mga tagpo sa kanilang masayang BARKADAKIP adventure.

BARKADAKIP

Sa kanyang bagong vlog, muling nagsama-sama sina Viviys, Zeinab, at Ivana sa isang kwela at hindi malilimutang ocean adventure.

Sa halip na dinner date lamang, naisipan ni Viviys na gulatin ang mga kaibigan kung saan kinakailangan nilang magsama-sama ng bente-kwatro oras sa isang beach resort.

“Alam niyo naman ang vlog ko. Hindi pwedeng matapos ang gabi na ‘to na ganun ganun na lang!” bungad ni Viy.

Sumalang ang magkakaibigan sa mahigit benteng oras na pamamasyal dahilan upang magulat at kabahan ang mga ito.

Upang maibsan ang kanilang pagkaburyo, nagkwentuhan at uminom na lamang ang tatlo habang bumabyahe.

Pagkarating sa kanilang destinasyon, sumalang sa iba’t-ibang mga hamon sina Ivana at Zeinab upang makuha ang kanilang mga kagamitan.

Naglaro din sila ng ‘truth or dare’ upang bigyang buhay ang kanilang pagsasama. Tahasang sinagot ng tatlo ang mga tanong na inihanda ng Team Viviys.

Matapos naman ang kanilang kwentuhan, sunod naman nilang sinalubong ang umaga at sabay na kumain at sinimulan ang kanilang ocean adventure.

Game na game na sumakay ng jetski sina Ivana, Zeinab, at Viy. Matapos ng kanilang pagtulog ay muling kumain ang kanilang trio ng agahan.

Tinapos ng tatlo ang kanilang masayang adventure sa pagmaneho ng ATV nang sama-sama.

Funny Comments

Samantala, marami ang naghatid ng kanilang mga komento matapos mapanood ang kanilang vlog collab.

@ma_ma26-d89: “Delikado mga idea ni viy naalala ko pa ginawa nya sa Beks Battalion.”

@JohnCarlVRegala: “THIS TRIO AGAIN!”

@NonielynMendoza: “Pagkakita ng post sa IG, deretso agad sa YT para sa new post na ito. Abang na abang akoo palage sa inyong tatlo!”

@wanderloom-82: “I love this trio collab! Super fun, ang kukulit lang nila! Plus, Viy is just so spontaneous! Love their energy!”

@angelicanavarro-jq1kk: “Grabe ‘yung vlog nato ang saya-saya more more nakasama kayong tatlo!”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
18
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *