Japan Trip Cancelled: This Is Why Boss Keng & Junnie Boy Stayed Behind

Sa halip na pasalubong mula sa Japan, isang kwela at nakakaaliw na epic fail story ang naiuwi nina Boss Keng at Junnie Boy! 

Alamin ang mga dahilan sa likod ng kanilang naudlot na biyahe at kung paano nauwi sa serye ng aberya ang pinagplanuhang bakasyon sa pinakabagong YouTube vlog ni Boss Keng.

How The Plan Started

Sa simula ng video, masayang ibinahagi ni Boss Keng kung paano nabuo ang plano.

“Punta kasi kaming Japan. Binook kasi ako ni Burong pa-Japan.”

Ngunit habang nag-iimpake pa lamang, nagsimula nang lumitaw ang mga unang senyales ng problema nang mabalitaan nilang may ilang kasamahang nagkaproblema sa pagpasok sa Japan.

“Ewan ko do’n, eh. Hindi raw nakapasok, eh. Kawawa naman ‘yung tropa ko, love. Hindi raw nakapasok sa Japan.”

Bukod dito, naging malaking hamon din sa kanilang biyahe ang magkakaibang schedule, group attendance, at mga aberya sa flight booking.

Why They Didn’t Fly

Ipinaliwanag nina Boss Keng at Junnie Boy na simula pa lang ay ayaw na talaga nilang tumuloy dahil hindi makakasama ang kaibigang si Burong dahil masama ang pakiramdam nito.

Subalit dahil sa pamimilit ng tropa, si Burong pa mismo ang nag-insist at nag-book ng tickets para sa dalawa upang makapagbakasyon pa rin sila.

Gayunpaman, dahil sa sunod-sunod na aberya, nagdesisyon na ang dalawa habang nasa airport na ‘wag nang tumuloy at manatili na lang sa Pilipinas.

“So guys, tumawag sa’min sila Cong, pauwi na sila. Hindi na kami tutuloy. Anong gagawin namin do’n? Kaming dalawa lang. Buti ‘di pa tayo nakakalipad.”

The Surprise Prank on Burong

Bago tuluyang umuwi, hindi pinalagpas ni Boss Keng ang pagkakataong gawan ng isang epic prank ang kaibigang si Burong bitbit ang plano na papaniwalain niya ang tropa na kaya siya hindi tumuloy para samahan na lang ito.

Habang nagpapahinga si Burong sa bahay dahil sa sakit, bigla na lang itong ginulat ni Boss Keng sa kanyang silid.

Choosing To Stay Home

Bagamat hindi natuloy ang bakasyon sa ibang bansa, masaya at excited pa rin sina Boss Keng at Junnie Boy na makauwi agad sa kani-kanilang pamilya at makasama ang buong tropa.

“At saka malungkot talaga kami, guys, kapag aalis nang walang kasamang pamilya. So okay na lang na maiwan kami sa Pinas… magkakasama,” buong-pusong pahayag ni Boss Keng.

Panoorin ang YouTube vlog ni Boss Keng para sa buong kwento: 

Likes:
0 0
Views:
17
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *