
Muling naghatid ng good-vibes sa netizens ang Team Payaman momma na si Viy Cortez-Velasquez matapos niyang ibahagi ang nakakaaliw na ‘fit check’ sa hindi inaasahang paraan.
Sa kaniyang video upload, ibida ni Viviys ang iba’t ibang outfits mula sa popular na brand na SHEIN habang sinusubukang sabayan ang mabilis na pag-ikot ng isang treadmill.
Treadmill-Approved Fashion
Sa mismong simula pa lang ng video, ramdam agad ang kulit at gulat ni Viy habang hinahabol ang bilis ng treadmill.
”Huy! Ang bilis! Uy, wait! Bumibilis! ‘Yung alam mo, hindi ka na makapagpaganda kasi ‘yung paa mo nagmamadaling ganito.”
Paliwanag ni Viy, layunin ng kakaibang paraan na ito na ipakita kung paano gumagalaw at bumabagay ang damit sa active movement at pang-araw-araw na eksena.
“So, mga Viviys, tayo ngayon ay magpapakita ng mga damit sa SHEIN. Pero with a twist dahil tatakbo tayo!”
Laughter in Motion
Ipinakita sa video ang versatility, design, at fit ng mga tops at pants na pwedeng bilhin nang hiwalay.
Hindi rin nawala ang trademark na hirit at mga relatable scenario-based jokes ni Viy habang ipinapakita ang bawat damit:
Paiwas sa Ex Look: “Parang nagmamadali ka sa mall kasi nakita mo ‘yung ex mo!”
Biglaang Gala Look: “Ito mga Viviys, sobrang comfy ng look niya… Para ka lang ‘pag gising mo, ‘Tara na. Let’s go to the mall.’”
Emergency Run Look: “So ito guys, hinahabol na ako ng aso sa apartment. Ayan na! Ayan na!”

Score the Look, Grab the Code
Habang ibinibida ang SHEIN outfits, sinasabayan pa ito ni Viviys ng natural na kwentuhan na naging dahilan para mas maging relatable at authentic ang kanyang product review.
Hindi rin nakalimutan ni Mommy Viy na mag-iwan ng special perk para sa kanyang fans. Habang patuloy sa pagtakbo, ipinaalala niya ang kanyang exclusive discount code:
”So guys, habang hinahabol ako, ‘wag ninyong kalimutan gamitin ang aking code!”
Para sa mga gustong makuha ang parehong look at makatipid, gamitin lamang ang voucher code na W8PHviycortez8875.
I-search at i-follow din ang kaniyang favorite SHEIN collections gaya ng XLLAIS, Coolane, at StreetHx sa SHEIN app para sa iba pang exclusive deals.





