
Puno ng saya, tawanan, at Halloween excitement ang #PurpleAndTreats2026 na ginanap noong October 26, 2026 sa The Dessert Museum.
Pinangunahan ng power couple na sina Viy Cortez at Cong TV ang Halloween-themed product launch ng Purple Hearts by Kryzl, kasama ang kanilang pamilya, mga kaibigan, at iba pang kilalang vloggers at content creators.
A Fun-Filled Halloween Celebration
Isa sa mga highlights ng event ang pamilya nina Viy at Cong na nag-transform bilang iconic characters ng The Addams Family. Kasama ang kanilang mga anak na sina Kidlat at Tokyo Athena, todo-effort ang pamilya sa kanilang costumes at talagang nakisabay sa Halloween celebration. Naging mas exciting din ang event dahil sa pakikiisa ng iba pang pamilya at creators na nagpunta rin sa kanilang best Halloween looks.
Nakidagdag sa saya ang buong Iligan-Velasquez at Velasquez-Gaspar family kasama ang mga chikiting na sina Isla, Ulap, Viela, at Mavi.
Hindi rin nagpahuli ang pamilya ni Ate Ivy Cortez-Ragos kasama ang kanyang mister at anak na si Samantha, pati na rin ang buong Team Payaman Kids. Mas naging memorable ang gathering dahil sama-sama nilang na-enjoy ang iba’t ibang activities at moments sa event.


Hindi rin nagpahuli ang lahat sa Halloween costume contest, kung saan ipinakita ng participants ang kanilang creativity at effort sa kanilang outfits. Narito ang mga pinarangalan bilang winners:
• Kids Category: Gavin Oro
• Adult Category: Mama Anne TV

Bukod sa Halloween fun, naging espesyal din ang event dahil dito opisyal na ipinakilala ang mga bagong produkto ng Purple Hearts by Kryzl.
Patuloy ang brand sa paghatid ng vitamins at supplements na makakatulong sa pang-araw-araw na health needs ng mga bata at buong pamilya.
Layunin nitong hikayatin ang mga magulang na mas bigyang-pansin ang health at wellness ng kanilang mga anak, lalo na ngayong pabago-bago ang panahon.

Celebrating Health and Family Togetherness
Sa pamamagitan ng #PurpleAndTreats2026, pinagsama ng Purple Hearts by Kryzl ang isang masayang family gathering at ang paglulunsad ng kanilang bagong mga produkto.
Naging pagkakataon din ito para magsama-sama ang mga pamilya, magkakaibigan, at content creators para mag-enjoy at gumawa ng bagong memories.
Manatiling naka-follow sa official social media pages ng Purple Hearts by Kryzl para sa iba pang exciting announcements at new product launches.





