Netizens React to Viy Cortez-Velasquez’s Heartwarming Valentine’s Day Surprise for Cong TV

Dahil sa hilig sa musika ni Cong TV, isang nakakakilig na supresa ang hatid ng kanyang misis na si Viy Cortez-Velasquez.

Tunghayan ang proseso ng pagpaplano ng Valentine’s Day surprise ni Viviys para kay Cong TV.

Valentine’s Day Surprise

Sa kanyang bagong YouTube vlog, isang nakakakilig na surpresa ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez para sa asawang si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV. 

Kwento ni Viy, binalikan niya ang mga vlogs kung saan hinandugan niya ng supresa ang asawang si Cong. Tumatak sa kanya ang tagpo kung saan niregaluhan niya ito ng Limited Edition Metallica Guitar noong sila ay nakatira pa sa Congdo.

Naisip ni Viviys na muling bilhan ng gitara ang asawa na magagamit niya sa paggawa ng musika. Kanyang inimbitahan ang kapwa COLN members ni Cong na sina Yow Andrada, Awi Columna, at Pinuno upang matulungan siya sa pamimili.

“Isa lang ang gusto ko, ‘yung mabigay ‘yung magpapasaya sa kanya,” ani Viviys.

Bigo ang grupo nina Viy na makahanap ng Metallica Guitar na kanyang ireregalo para kay Cong kung kaya’t naisipan nalang niya na bigyan ng ibang surpresa ang asawa.

The Real Surprise

Binilhan niya ito ng damit na kanyang susuotin at kanya rin itong ipinahatid sa kanilang  ‘meeting place.’ Walang ideya si Cong kung saan at kung ano ang kanyang aasahan mula sa asawa.

Isang intimate yacht dinner ang inihanda ni Viviys kung saan masayang kumain at nagkwentuhan ang mag-asawa.

“Sa relasyon namin, parang ako ‘yung babae. Love, ipinapangako ko sa’yo, hindi ako mambababae kahit kailan,” mensahe ni Cong sa asawa.

Bukod dito, isang hindi inaasahang surpresa ang bumulaga kay Cong matapos ang kanilang intimate dinner—isang live band performance na alinsunod sa bandang Metallica.

Ang labis namang nagpasaya kay Cong ay nang regaluhan siya ng asawa ng concert tickets ng nasabing banda sa darating na June 28 na gaganapin pa sa United Kingdom.

“I love you! Thank you Love! Grabe naiiyak ako,” emosyonal na sambit ni Cong.

Touching Reactions

Samantala, marami sa mga manonood ang kinilig sa inihandang regalo ni Viviys para sa asawa.

@saneisinsane: “Ang ganda ng “Mahallica” ep— ramdam na ramdam mo na magkaiba man sila ng paraan ng pagpapakita ng pagmamahal, doon pa nga sila mas nagiging buo. Hindi pareho ang lengguwahe ng puso nila, pero marunong silang makinig at umintindi sa isa’t isa. Sa totoo lang, doon nasusukat ang lalim ng relasyon — hindi sa pagiging magkapareho, kundi sa kakayahang yakapin ang pagkakaiba. Kasi kapag mahal mo talaga ang isang tao, natututo kang magsalita sa paraang maiintindihan niya, at makinig sa paraang mararamdaman niya. Sila yung paalala na ang pagmamahal hindi lang basta nararamdaman — pinipili, inaaral, at inaalagaan araw-araw.”

@itsmeGhou14: “Yun talon nya ng nalaman nya, yun concert, parang batang napagbigyan ng gustong laruan. mabuhay !!! congviy!”

@ninafriera-ee8fo: “Grabe, kakaiba ‘yung saya ni Cong. Iniimaginne ko na sana magawa ko sa fiance ko den ‘yung ganyang saya. Nakakaiyak, hahaha!”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
28
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *