‎Dudut Lang Shares Team Payaman Journey in Recent FWB Podcast Episode

Sa likod ng bawat halakhak at kakulitan na hatid ni Jaime Marino De Guzman, o mas kilala bilang Dudut Lang, ay isang kwento ng katapatan at pagsisikap na nagsilbing pundasyon ng kanyang journey sa Team Payaman.

‎Sa latest episode ng YouTube podcast na ‘Friends Without Benefits’ nina Jai Asuncion, Albert Nicolas, at Jim Morales, ibinahagi ni Dudut ang mga behind-the-scenes ng kanyang buhay, mula sa pagiging taga-luto hanggang sa maging isa sa mga miyembro pinakasikat na content creator group sa bansa.

Team Payamansion’s Resident Chef

Lingid sa kaalaman ng marami na ang pagpasok ni Dudut sa Team Payaman ay hindi nagsimula sa vlogging. Sa kalagitnaan ng pandemya, sinundo siya ni Cong TV upang dalhin sa Payamansion 1. Ngunit hindi camera ang unang humarap sa kanya, kung hindi ang kalan.

‎Dahil sa kanyang hilig sa Culinary Arts, si Dudut ang nagsilbing resident chef na tinitiyak na busog ang buong grupo. 

Ayon pa sa kanya, ang pagluluto ng Sinigang ang naging simbolo ng kanilang pagkakaisa—isang ulam na nagbibigay ng comfort sa tropa matapos ang anumang selebrasyon o pagod.

16 Years of Friendship

‎Higit pa sa trabaho, ang kwento ni Dudut ay kwento ng pagkakaibigan. Ayon sa kaniya, mahigit 15 hanggang 16 na taon na ang pinagsamahan nila ni Cong TV. 

Mula sa panahong wala pa silang lahat, hanggang sa marating ang rurok ng tagumpay, nanatiling walang kapantay ang suporta nila sa isa’t isa.

‎‎Ang pagiging authentic o totoo sa sarili ni Dudut rin ang dahilan kung bakit mabilis siyang minahal ng Team Payaman fans. 

Sa kabila ng mga pinagdaanang burnout at personal na hamon, ang Team Payaman ang nagsilbing sandigan niya upang magpatuloy.

Beyond Vlogging

‎Ngayon, hindi na lang basta extra si Dudut sa mga vlogs ni Cong. Isa na siyang ganap na entrepreneur at vlogger na may sariling tatak. 

Pinatunayan niya na ang isang simpleng biruan sa inuman noon, na “pasikatin siya at baguhin ang buhay niya” ay nagkatotoo dahil sa tamang samahan at sipag.

‎Sa kabila ng kanyang narating sa pagluluto at content creation, nananatiling mapagkumbaba si Dudut. 

Ang kanyang payo sa lahat?‎ “Surround yourself with people who surround you with good hearts.” ‎Isang paalala na sa Team Payaman, ang pinakamahalaga ay ang pamilyang nabuo sa harap at likod ng camera.

Likes:
0 0
Views:
20
Article Tags:
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *