Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya ang hindi inaasahang collaboration vlog kasama ang ilang mga sikat na personalidad sa social media.

Alamin kung sino nga ba ang kanyang mga vlog guests at kung ano ang reaksyon ng mga manonood dito.

Unexpected Collab

Sa kanyang latest vlog, isang unexpected collaboration video ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang mga manonood.

Isa ring panibagong serye ang kanyang ipinakilala sa mga manonood ang —Carambola series na kung saan walang humpay na tawanan at kwentuhan sa loob ng sasakyan ang masasaksihan ng mga manonood.

Una na sa kanyang mga naging ‘passengers’ ay ang aktres at beauty queen na si Winwyn Marquez.

Sunod naman sa mga sinundo ni Viviys ay sina Romeo Gulla, a.k.a Meong Lip Bite, entrepreneur na si Josh Mojica, at ang impersonator ni Michael Jackson.

Katatawanan at walang tigil na kwentuhan ang hatid ng apat habang patuloy sila sa kanilang mini road trip.

Hindi rin nawala ang mga biruan na pinangunahan ni Meong na talaga namang nagpahalakhak sa mga manonood. 

Funny Reactions

Samantala, matapos mapanood ang hindi inaasahang collaboration video ni Viviys, marami ang nagpadali ng kanilang mga reaksyon sa nasabing vlog content.

@py_bai: “Sobrang random mo talaga lagi puro episode 1 eh HAHAHAHAHA”

@annjoevelleenclona8309: “Cheers to more Episode 1, Viviys! HAHAHAHA”

@marquezwyn: “RANDOM BA KAMO? HAHAHAHAHA”

@AngheloAgner: “Napaka humble ni Meong, hindi na masyado pumorma kasi ayaw lamangan mga kasama niya”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
24
Article Tags:
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *