Pinuno and Kuya Inday’s ‘Balang Araw’ Single Debuts on Wish Bus 107.5

Isang bagong yugto sa musical journey ang pagsabak nina Pinuno at Kuya Inday sa iconic Wish Bus 107.5 para sa debut performance ng kanilang pinakabagong single na pinamagatang “Balang Araw.” 

Ginanap ang kanilang pinakaunang roadshow performance sa Vista Mall Taguig noong Oktubre 7, 2026.

Balang Araw on Wish Bus 107.5

Sa pamamagitan ng espesyal na pagtatanghal, nabigyan ng pagkakataon sina Gemmar Sol, a.k.a Kuya Inday, at Elijah Borreros, a.k.a Pinuno, kasama ang kanilang banda na ipakilala ang kanilang awitin sa mas malawak na audience at maibahagi ang kanilang musika sa mga tagapakinig ng OPM.

“Eto ang pinakamagandang blessing sa buhay ko at pinakamagandang regalo sa darating na birthday ko! Pawer!,” ani Kuya Inday sa kanyang post. 

Kilala ang Wish 107.5 sa pagbibigay ng plataporma sa mga mang-aawit at musikero upang maipamalas ang kanilang talento sa pamamagitan ng Wish Bus Roadshow performances, na napapanood din online. 

Ayon sa opisyal na website ng istasyon, layunin nitong bigyang-pansin ang mga musikero at maihatid ang kanilang mga pagtatanghal sa mas maraming tao.

Proud TP Members

Hindi naman maitago ng kapwa Team Payaman members ang kanilang pagka proud at suporta para sa rising artist nila na si Kuya Inday.

“Wow. Ang galing! Congrats!” pahayag ni Viviys sa kanyang video reels. 

“Yown! #Pinuday nambawan,” komento ni Kevin Hufana.

“Tinapos na ang laban,” ani Angel Amaqui. 

“Magkano sa akin dito?” birong komento naman ng manager ni Kuya Inday na si Cong TV.

Abangan ang YouTube release ng kanilang full Wish Bus performance ng “Balang Araw” at patuloy na suportahan ang mga local artist na nagbibigay-buhay sa patuloy na pag-usbong ng Original Pilipino Music.

“Balang Araw” is also available to stream on all streaming platforms. Stream and support now, mga kapitbahay! 

Alex Buendia

Recent Posts

Cong TV Seeks Help from Movie Star Malupiton for Geng’s Road to Stardom

Paano nga ba makakapasok si Genggeng sa PBB House?  Alamin sa latest ‘AROAYKO’ vlog ni…

13 hours ago

Zeinab Harake-Parks and Ray Parks Proudly Announce Kids’ Official Name Change

Opisyal nang ‘Harake-Parks’ ang apelyidong dala ng magkapatid na Bia at Lucas Harake na siyang…

16 hours ago

Viy Cortez, Zeinab Harake, and Ivana Alawi Go On a Wild BARKADAKIP Adventure

Isang kwelang vlog collab ang hatid ng trio nina Viy Cortez-Velasquez, Zeinab Harake-Parks, at Ivana…

1 day ago

READY NA BA SA INIT? Team Payaman’s Burong Shares Ways To Save Energy Amid Super El Niño

Dahil sa inaasahang epekto ng Super El Niño sa Pilipinas, mahalagang maging maingat sa ating…

1 day ago

Kevin Hufana Features Roy Aguilo’s Journey of Redemption in ‘Higit sa Hatol: Home of Second Chances’ Documentary

Hindi natatapos sa paglaya ang mga hamon sa buhay ng mga dating bilanggo, dahil patuloy…

2 days ago

VIYond the Entrance: Discover What Team Payaman Fair Has to Offer

What if one ticket could bring you closer to your favorite influencers, introduce you to…

3 days ago

This website uses cookies.