Ate Ivy Cortez-Ragos Takes Pinoy History to the Streets with Her New Mini Vlog

Mahilig ka ba sa mga lumang dokumentaryo o kwento tungkol sa ating bansa? Ganyan na ganyan din nagsimula ang content creator na si Ate Ivy Cortez-Ragos nang maisipan niyang ibahagi ang kanyang interes sa pamamagitan ng isang masayang mini vlog segment na pinamagatang “Kasaysayan ng Pilipinas, Pilipino Ako!”

Street Trivia and Fun

Sa halip na maging isang seryoso at nakaka-stress na quiz bee, ginawa ni Ate Ivy na magaan, masaya, at pampasigla ang kanyang mga tanong sa mga taong nakakasalubong niya sa labas. 

Nagtanong siya ng mga basic na kaalaman tungkol sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas na madaling masagot ng mga makakasalubong niya sa paglalakad sa kalsada. 

Ilan sa mga masayang nasagot ng mga nakasalamuha niya ay ang tungkol sa ating pambansang bayani, sa sumulat ng Noli Me Tangere, pati na rin ang ating pambansang prutas at puno. 

Ang mga maswerteng sumagot nang tama ay nakatanggap pa ng mga libreng snacks at inumin bilang premyo, habang masayang isinisigaw ang linyang “Pilipino ako!” para sa dagdag na good vibes.

Ayon kay Ate Ivy, bagamat layunin ng video ang magbigay ng katatawanan at aliw, mahalaga ring may matutunan ang mga manonood habang nanonood. 

Bilang isang ina na may dalawang anak, biro pa niya ay kailangan din niyang mag-aral at mag-review nang mabuti para hindi raw siya mapag-iwanan ng mga bata sa kanilang mga aralin.

Learning History

Higit sa simpleng katuwaan sa kalsada, may magandang paalala si Ate Ivy sa mga tagapakinig. Sa gitna ng mga hamon ng buhay sa bansa at sa mga panahong nasasabi ng iba na mahirap mahalin ang Pilipinas, naniniwala siya na hindi na natin kailangang iasa sa iba o sa gobyerno ang pagbabago at pagkilala sa ating sariling pagkakakilanlan. 

Maaari nating simulan ito sa ating sarili sa pamamagitan ng pagkakaroon ng interes, pag-aaral ng ating nakaraan, at pagmamahal sa kasaysayan nang sama-sama. Isang magandang paalala ito na ang pagiging Pilipino ay mas lalo nating mapapahalagahan kung sisimulan natin sa simpleng pag-alam at pagmamalaki ng sarili nating kwento. 

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Cong TV Seeks Help from Movie Star Malupiton for Geng’s Road to Stardom

Paano nga ba makakapasok si Genggeng sa PBB House?  Alamin sa latest ‘AROAYKO’ vlog ni…

13 hours ago

Zeinab Harake-Parks and Ray Parks Proudly Announce Kids’ Official Name Change

Opisyal nang ‘Harake-Parks’ ang apelyidong dala ng magkapatid na Bia at Lucas Harake na siyang…

16 hours ago

Viy Cortez, Zeinab Harake, and Ivana Alawi Go On a Wild BARKADAKIP Adventure

Isang kwelang vlog collab ang hatid ng trio nina Viy Cortez-Velasquez, Zeinab Harake-Parks, at Ivana…

1 day ago

READY NA BA SA INIT? Team Payaman’s Burong Shares Ways To Save Energy Amid Super El Niño

Dahil sa inaasahang epekto ng Super El Niño sa Pilipinas, mahalagang maging maingat sa ating…

1 day ago

Kevin Hufana Features Roy Aguilo’s Journey of Redemption in ‘Higit sa Hatol: Home of Second Chances’ Documentary

Hindi natatapos sa paglaya ang mga hamon sa buhay ng mga dating bilanggo, dahil patuloy…

2 days ago

VIYond the Entrance: Discover What Team Payaman Fair Has to Offer

What if one ticket could bring you closer to your favorite influencers, introduce you to…

3 days ago

This website uses cookies.