Categories: WEBLOG

Viyline Team Building: Viyline Group of Companies Brings Teamwork and Celebration Together

Isang makabuluhan at masayang araw ang pinagsaluhan ng buong pamilya ng Viyline Group of Companies sa kanilang ginanap na team building at espesyal na pagdiriwang sa Torres Farm Hotel & Resort. 

Puno ng tawanan, bonding, at mga hindi malilimutang alaala ang buong event na nagpatibay lalo sa samahan at bonding ng bawat isa.

Teamwork and Camaraderie

Nagsimula ang buong araw na puno ng excitement sa kanilang “Around the World in One Day” team building theme. Game na game ang bawat empleyado sa iba’t ibang pampasiglang energizers, at malikhaing team cheers, at at nasubok din ang kanilang teawork sa Amazing Fun Race. 

Dito ay tunay na naipamalas ang pagkakaisa, diskarte, at malakas na bayanihan ng bawat grupo sa bawat hamon.

Family and Milestones

 

Hindi rin pinalampas ng lahat ang isa sa mga pinaka-inaabangang highlight ng araw! Nasaksihan ng buong team ang opisyal na grand launch ng pinakabagong LED ad truck ng Viyline Media Group. 

Ang ad truck na ito ay idinisenyo para sa mas malawak na visibility at street-level exposure ng mga nangungunang partner brands pati na rin ng inaabangang Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat sa mga kalsada.

Pagpatak naman ng gabi, mas naging espesyal at puno ng emosyon ang paligid dahil nakiisa ang mga empleyado sa ginanap na 60th birthday celebration ni Madam Imelda T. Cortez. 

Naging buo, siksik sa pagmamahal, at napakasaya ng gabi dahil present din ang ama nina Viy na si Rolando Bañaria Cortez, kasama ang “Tres Marias” Cortez sisters—sina Viy Cortez-Velasquez, Yiv Cortez, at Ivy Cortez-Ragos. 

Sama-sama silang nag-enjoy sa masasarap na pagkain, kantahan, at taos-pusong nagpasalamat sa panibagong taon ng buhay at biyayang ipinagkaloob sa kanilang mahal na ina.

Isang buong araw at gabi ito na punong-puno ng saya, tagumpay, at taos-pusong pagpapasalamat na tiyak na mag-iiwan ng napakagandang marka sa puso ng bawat miyembro ng Viyline Family!

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Netizens React to Vien Iligan-Velasquez’s Heartfelt Message Addressing Critics

Punong-puno ng inspirasyon ang mensahe ni Vien Iligan-Velasquez para sa kanyang mga bashers matapos niyang…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Shares New OOTD Picks from SHEIN Philippines

Known for her classic and aesthetic OOTD picks, Viy Cortez-Velasquez is back with a fresh…

1 day ago

Vien Iligan-Velasquez Comes Back with a Family Life Update Vlog

Muling nagbabalik ang Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez sa pagva-vlog hatid ang latest…

2 days ago

Kidlat Shines in Christmas-Ready Fits from Moose Gear Kids

With the Christmas season approaching, Team Payaman’s youngest member, Kidlat, shines in his recent fit…

2 days ago

Kha Kha Villes Expresses Gratitude to Team Payaman Amid Personal Loss

Sa gitna ng pagdadalamhati matapos ang pagkawala ng kanilang inaasahang anak, nagpahayag ng pasasalamat ang…

2 days ago

NETIZENS’ NEW INAANAK ALERT: Ninong Ry Welcomes Second Child, Baby Rafa

Puno ng pasasalamat na ibinahagi ng Team Payaman chef at food content creator na si…

2 days ago

This website uses cookies.