Viyline Team Building: Viyline Group of Companies Brings Teamwork and Celebration Together 

Isang makabuluhan at masayang araw ang pinagsaluhan ng buong pamilya ng Viyline Group of Companies sa kanilang ginanap na team building at espesyal na pagdiriwang sa Torres Farm Hotel & Resort. 

Puno ng tawanan, bonding, at mga hindi malilimutang alaala ang buong event na nagpatibay lalo sa samahan at bonding ng bawat isa.

Teamwork and Camaraderie 

Nagsimula ang buong araw na puno ng excitement sa kanilang “Around the World in One Day” team building theme. Game na game ang bawat empleyado sa iba’t ibang pampasiglang energizers, at malikhaing team cheers, at at nasubok din ang kanilang teawork sa Amazing Fun Race

Dito ay tunay na naipamalas ang pagkakaisa, diskarte, at malakas na bayanihan ng bawat grupo sa bawat hamon.

Family and Milestones

 

Hindi rin pinalampas ng lahat ang isa sa mga pinaka-inaabangang highlight ng araw! Nasaksihan ng buong team ang opisyal na grand launch ng pinakabagong LED ad truck ng Viyline Media Group. 

Ang ad truck na ito ay idinisenyo para sa mas malawak na visibility at street-level exposure ng mga nangungunang partner brands pati na rin ng inaabangang Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat sa mga kalsada.

Pagpatak naman ng gabi, mas naging espesyal at puno ng emosyon ang paligid dahil nakiisa ang mga empleyado sa ginanap na 60th birthday celebration ni Madam Imelda T. Cortez. 

Naging buo, siksik sa pagmamahal, at napakasaya ng gabi dahil present din ang ama nina Viy na si Rolando Bañaria Cortez, kasama ang “Tres Marias” Cortez sisters—sina Viy Cortez-Velasquez, Yiv Cortez, at Ivy Cortez-Ragos

Sama-sama silang nag-enjoy sa masasarap na pagkain, kantahan, at taos-pusong nagpasalamat sa panibagong taon ng buhay at biyayang ipinagkaloob sa kanilang mahal na ina.

Isang buong araw at gabi ito na punong-puno ng saya, tagumpay, at taos-pusong pagpapasalamat na tiyak na mag-iiwan ng napakagandang marka sa puso ng bawat miyembro ng Viyline Family!

Likes:
0 0
Views:
13
Article Categories:
WEBLOG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *