Excited na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga tagpo sa kanyang buhay sa EP 2 ng kanyang realiTViy vlog serye.
Silipin ang mga kaganapan sa kanyang buhay bilang isang ina, asawa, content creator, at business owner.
Sa kanyang bagong vlog, excited na ibinida ni Mommy Viy ang kanyang mga recent ganaps sa bahay at trabaho.
Una na niyang ibinahagi ang mga tagpo ng kanilang panganay na si Kidlat sa loob ng eskwelahan.
Hands-on sina Mommy Viy at Daddy Cong sa pagsama kay Kidlat sa kanyang talent show at fun run.
Full-support din si Viviys sa kanyang asawang si Cong matapos nitong maglaro ng basketball kasama ang kapwa Team Payaman members.
Kasama rin niya ang mga hipag na sina Vien at Pat na full-support din sa kani-kanilang mga asawang maglalaro.
Buong galak ding inanunsyo ni Viy ang partnership ng nalalapit na Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat sa Lime Hotels Manila.
Ipinasilip din ni Viviys ang ilan sa kanyang mga naging raket at ang kaarawan ng kanyang ina, at bonding moments kasama ang mga anak na sina Kidlat at Tokyo.
Isa sa mga naging highlights ng nasabing vlog ay nang ibida ng mag-asawang Cong at Viy ang kanilang tahanang puno ng Christmas decors.
Laking pasasalamat ng mag-asawa kay Tei Endencia, isang kilalang event stylist na tumulong magdisenyo ng kanilang Christmas-ready home.
Ikwinento ng dalawa ng Setyembre pa lang ay napagisipan na nilang ipadisenyo ang kanilang tahanan dahil fully booked ang schedule ni Sir Tei.
“Buti nauna ka sa lahat kasi sunod-sunod kayo nina Zeinab, Jelai!” ani Sir Tei.
Samantala, marami ang natuwa nang masundan ang realiTViy vlog serye ni Viviys.
@ZeinabHarakeVlogs: “Ang ganda happy for you guys love you all!”
@itsfatinah7701: “Ate Viy, promise kahit mag 1hr vlog ka everyday diako magsasawaaa plsssss. Your vlog is the only vlog na hindi boring!”
@JhayronFerraris-h6q: “Sobrang baho, di naligo” Ang tawa ko sayo Kidlat hahaha!”
@Throxxx744: “Mag like neto yayaman na bukas!”
@teataym: “Natatawa ako sa last exposure ni sir tey HAHAHAHA nagmukhang magjowa si viy at si sir tapos si cong parang kapitbahay na nakikichismis HAHAHAHAHAHA!”
@kwintoinks: “Grabe, kapag pinapanood ko si Viy sinasampal ako ng katamaran! Sobrang sipag mo! Apakaraming ginagawa amo! Daming energy. Sana all!”
Watch the full vlog below:
Isang masayang roadtrip vlog ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Burong kasama sina…
Muling ibinahagi ng Team Payaman next-gen vlogger na si Kevin Cancamo ang mga tagpo sa…
Game na game na nakiisa ang mag-asawang Zeinab at Ray sa kakaibang trip na hatid…
Isang masaya at 'di malilimutang milestone ang ginanap sa Torres Farm Hotel and Resort para…
Naging espesyal ang anniversary trip ng Team Payaman couple na sina Viy Cortez-Velasquez at Cong…
Sa pinakabagong vlog ng food at content creator na si Ninong Ry ipinasilip niya ang…
This website uses cookies.