Sa pinakabagong upload ni Burong, tampok ang masayang bonding nila kasama ang kanyang asawang si Aki, kaibigang sina Dudut, Kristel Toledo, at Tita Krissy Achino, na puno ng kulitan, asaran, at iba’t ibang mga aktibidad.
Sa simula pa lang ng vlog, inasar na agad ni Tita Krissy si Burong dahil napapansin daw nitong mas maraming views ang vlog kapag kasama niya sina Dudut at Kristel.
Depensa ni Burong, gusto lang talaga niyang makabawi at makapag-bonding kasama ang dalawa matapos ang mga pagkakataong hindi siya nakasama sa mga naunang ganap.
Sinundan naman ito ng compatibility challenge nina Dudut at Kristel Toledo kung saan sinubukan nilang alamin kung gaano sila kapareho pagdating sa iba’t ibang bagay tulad ng motor, cellphone, prutas, sports, at dessert. Isa sa mga napansin ay ang kanilang parehong sagot na “tres leches.”
Matapos ang kanilang compatibility test, nagtungo naman ang grupo sa GPH Shooting Range para subukan ang kanilang shooting skills. Dito na naman umikot ang vlog sa tawanan at biruan habang isa-isang sinusubukan ng grupo ang shooting activities.
At dahil hindi pa tapos ang kulitan, sinundan pa ito ng “Can’t Say No Challenge” kung saan si Burong naman ang pinagtripan ng grupo. Kabilang sa mga hiling ni Kristel ang isang A6, na ayon kay Burong ay ililibre naman sana niya.
Kaso, matapos ang ilang oras nila sa shooting range, paglabas nila sa mall ay sarado na ito kaya napabiro na lang si Burong na malas talaga dahil inabutan sila ng closing time.
Sayang man ang pagkakataon, nauwi pa rin sa tawanan ang kanilang pagtatapos habang inaasar si Burong na parang nagamit lang sila para sa kanyang vlog. Samantala, todo biro naman si Burong at nangakong abangan ang susunod niyang vlog.
Watch the full vlog below:
Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…
Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…
Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…
For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…
Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…
Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…
This website uses cookies.