Cong TV and Aaron Oribe Face an Unexpected Friendship Test at Hard Rock Cafe Clark

Mula sa food trip hanggang sa mga hindi inaasahang pangyayari, naghatid sina Cong TV at Aaron Oribe ng mga nakakaaliw na tagpo sa kanilang pagbisita sa Hard Rock Cafe Clark.

Tunghayan kung paano nauwi ang kanilang masayang bonding sa isang nakatutuwang pagsubok sa pagkakaibigan sa bagong mini vlog ni Cong TV.

Cong TV x Hard Rock

Sa simula ng mini vlog, ipinakilala ni Cong TV ang sarili bilang isang YouTuber mula sa Pilipinas at isang “rising global influencer.” Kasama ang kanyang kaibigan na si Aaron Oribe, ipinakita niya ang ilan sa mga tampok ng Hard Rock Cafe Clark sa Pampanga, kabilang ang iba’t ibang pagkain, live entertainment, at ang Rock Shop sa loob ng nasabing cafe.

Sa kalagitnaan ng kanilang pagkain, pansamantalang iniwan ni Cong ang kaibigan upang maglibot sa loob ng Rock Shop. Sa kanyang paglilibot, nakasalubong ni Cong ang kaibigan niyang si Burong at nauwi sa mahabang kwentuhan ang dalawa.

Dahil dito, hindi na niya agad nabalikan si Aaron, na naiwan sa kanilang mesa at kalaunan ay nagbayad pa ng kanilang bill nang magsara ang cafe.

Nang magkita muli ang dalawa, hindi napigilan ni Aaron na tawagin si Cong na isang “global scammer” matapos siyang maiwang magbayad ng kanilang bill. 

Gayunpaman, mabilis ding natuldukan ang kanilang tampuhan nang ibigay ni Cong ang isang Hard Rock Cafe Hoodie Bear na binili niya para sa anak ni Aaron.

Sa pagtatapos ng mini vlog, ibinahagi rin ang ilang throwback moments ng dalawa, kabilang ang kanilang mga naging bonding sa pagmomotor, paglalaro ng video games, at maging ang kanilang unang pagkikita sa isang LRT station.

Netizens’ Comments

Samantala, nagpahayag ng kasiyahan ang maraming netizens sa muling pagsasama nina Cong TV at Aaron, habang nagbahagi rin ang ilan ng kanilang reaksyon sa mga nakakaaliw na tagpo sa vlog.

@ravisxge: “Ready na talaga mag Canada si Aaron.”

@riosnts90: “Naiyak ako sa part ng video kung paano sila unang nagkita sa LRT station.”

@chrix21_: “Muntik ko na maibuga ‘yung tubig sa bibig ko dahil sa slang word ni Cong.”

@princessjpascua2: “So nice to see Aaron again with Cong TV.”

@mhaweww: “Namiss ka namin, Aaron!”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

4 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

8 hours ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

8 hours ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

8 hours ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

8 hours ago

Viy Cortez-Velasquez’s Well-Loved Makeup Brand Is Giving Away PR Kits To Aspiring Content Creators

Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…

3 days ago

This website uses cookies.