May hatid na tip ang Team Payaman mom na si Pat Velasquez-Gaspar para sa kanyang mga kapwa modern parents.
Alamin kung anong hack ito at kung ano ang kanyang mga maipapayo para sa mga new and aspiring parents.
Sa kanyang recently-uploaded social media reel, may hatid na informative content ang TP vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar.
Bilang isang hands-on mom, ibinahagi ni Pat na isa ang bakuna sa naging problema niya noong mga panahong sanggol pa lang ang panganay niyang si Isla.
“Hi mga mommies! Kayo rin ba ang nalilito sa dami ng bakuna ng baby niyo sa first year nila?” tanong ni Pat sa mga manonood.
Kwento niya pa, napagtanto niya ang kahalagahan ng mga bakuna lalo na ngayong mas aktibo na ang kanyang mga anak.
Upang maging komprehensibo at ligtas sina Isla at Ulap laban sa mga sakit, sumangguni si Pat sa mga reliable information mula sa ParenTeam website.
Kilala ang ParenTeam website sa kanilang credible online articles na may layuning makatulong sa mga modern parents.
Laking pasasalamat ni Pat nang makita ang Childhood Immunization Schedule ng mga newborn babies. Aniya, katulong rin niya ang kanilang pediatrician sa pagsunod sa nasabing listahan.
“Malaking bawas talaga sa stress ‘pag nakikita mo ‘yung buong schedule,” aniya.
Payo ni Pat, sumali sa official Facebook group ng ParenTeam para sa mga karagdagang impormasyon at kaalaman.
Kayo mga Kapitbahay, kumusta ang vaccine journey ng babies n’yo? Share niyo na!
Watch the full video below:
Sa halip na pasalubong mula sa Japan, isang kwela at nakakaaliw na epic fail story…
Muling naghatid ng bagong musika ang Filipino rap-rock at metal band na COLN sa pamamagitan…
Puno ng saya, tawanan, at Halloween excitement ang #PurpleAndTreats2026 na ginanap noong October 26, 2026…
Naging instant source of good vibes at katatawanan online ang bonding ng magkakaibigang Zeinab Harake-Parks,…
The Velasquez Family proudly shared a special project close to their hearts as they teamed…
Sa gitna ng pagiging abala sa araw-araw, sinubukan ni Boss Keng na baguhin ang kanyang…
This website uses cookies.