Yiv Cortez Calls for Kindness Toward Stray Animals Amid Heavy Rains

Sa gitna ng sunod-sunod na pag-ulan ngayong buwan, hinikayat ni Yiv Cortez, nakakabatang kapatid ng content creator na si Viy Cortez-Velasquez, ang publiko na magbigay ng tulong sa mga stray animals na nangangailangan ng pagkain at masisilungan.

Small Acts of Kindness

Sa isang video, ibinahagi ni Yiv ang kanyang obserbasyon sa dami ng stray animals na nakikita niya sa kanyang social media feed na walang makain at ligtas na matuluyan dahil sa malakas na ulan. 

Para sa kaniya, hindi kailangang malaki ang maibigay upang makatulong. Kahit kaunting pagkain o tubig ay malaking bagay na para sa mga hayop na hindi kayang magsabi kapag sila ay gutom o nangangailangan ng tulong. 

Kaya naman kaya siya mismo ang huminto at bumili ng pagkain para sa mga stray animals. Pagkatapos ay siya mismo ang nagpakain sa mga ito.

Ibinahagi rin ni Yiv ang kaniyang naging karanasan sa pagtulong sa isang dog shelter kasama ang kanyang mga kaibigan. 

Bukod sa pagpapakain sa mga aso, naglaan din sila ng oras upang makasama at makapaglaro kasama ang mga ito. Sa karanasang iyon, mas napagtanto niya na ang isang simpleng kilos ng kabutihan na maaaring maliit para sa isang tao ay maaaring maging napakalaking bagay para sa isang hayop.

A Reminder to Help Strays Find Food and Shelter

Kaya naman nanawagan si Yiv sa publiko na kung makakita ng stray animal at may ekstrang pagkain o tubig, maaari itong ibahagi kahit kaunti lamang. Hindi kailangang malaki ang tulong upang makagawa ng pagbabago sa kanilang araw.

Sa patuloy na pag-ulan, paalala ni Yiv na mahalagang alagaan hindi lamang ang ating sarili kundi pati na rin ang mga hayop na umaasa sa ating malasakit. Umaasa siyang walang hayop na kailangang matulog nang gutom at walang masisilungan.

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

8 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

12 hours ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

12 hours ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

13 hours ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

13 hours ago

Viy Cortez-Velasquez’s Well-Loved Makeup Brand Is Giving Away PR Kits To Aspiring Content Creators

Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…

3 days ago

This website uses cookies.