Vien Iligan-Velasquez Gives a Glimpse Into Her Recent Favorites and Everyday Moments

Mula sa family dates hanggang sa maliliit na milestones sa araw-araw, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez ang ilan sa kanyang mga “recent favorites” sa isang social media post.

Sa naturang photo dump, tampok ang mga sandaling kasama ang asawang si Junnie Boy at kanilang mga anak na sina Mavi at Viela, pati na rin ang ilan sa kanyang mga hobbies, travel memories, at espesyal na pagkakataong nakasama ang mga kaibigan at kapwa miyembro ng Team Payaman.

Vien’s Life Update

Kamakailan, isang personal na sulyap sa kanyang buhay ang ibinahagi ni Vien Iligan-Velasquez, kabilang ang kanyang lumalaking interes sa pickleball, pag-explore ng iba’t ibang cafes, at pagsubok ng bagong at-home beauty and skincare gadget.

Ibinahagi rin niya ang ilan sa kanyang travel moments, gaya ng pagpunta sa Vietnam para sa isang makeup class kasama ang kaibigang si Aki Angulo-Macacua, pati na rin ang ilan sa kanilang mga tradisyon bilang pamilya, tulad ng kanilang buwanang bonding bilang apat.

Naging bahagi rin ng kanyang life update ang ilang espesyal na okasyon kasama ang Team Payaman, tulad ng pagdalo sa birthday celebration ni Viy Cortez-Velasquez at sa launch ng Tiny Buds x Kidlat Hair Care Collection.

Bukod sa mga masasayang sandali, naging emosyonal din ang isang bahagi ng kanyang post nang ibahagi niya ang larawan ng isang lumang ultrasound na kanyang natagpuan habang naglilinis ng kanilang silid.

Sa kanyang mensahe, naging bukas din siya tungkol sa isang hindi natuloy na pagbubuntis at ang kanyang pag-asang muling magkaroon ng pagkakataong madagdagan ang kanilang pamilya sa hinaharap.

Sa pamamagitan ng kanyang photo dump, ipinakita ni Vien ang ilan sa mga karanasan at mahahalagang sandaling naging bahagi ng kanyang mga nakaraang buwan bilang ina, asawa, at content creator.

Angelica Sarte

Recent Posts

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

7 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

11 hours ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

11 hours ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

11 hours ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

11 hours ago

Viy Cortez-Velasquez’s Well-Loved Makeup Brand Is Giving Away PR Kits To Aspiring Content Creators

Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…

3 days ago

This website uses cookies.