Vien Iligan-Velasquez Begins ‘First Time With The Kids’ With Birthday Cake Surprise for Junnie Boy

Isang espesyal na family activity ang tampok sa unang episode ng bagong vlog series ni Vien Iligan-Velasquez na “First Time With The Kids,” kung saan nakasama niya ang mga anak na sina Mavi at Viela sa paghahanda ng birthday surprise para kay Junnie Boy.

Tunghayan ang naging paghahanda ng pamilya Velasquez, mula sa pag-alam ng paboritong flavor ng cake ni Junnie Boy hanggang sa paggawa ng kanilang homemade chocolate cake.

Baking Time!

Bago simulan ang kanilang plano, pinasikreto muna ni Vien sa kanyang dalawang anak ang kanilang sorpresa para kay Junnie Boy. Inatasan niya sina Mavi at Viela na alamin ang paboritong flavor ng cake ng kanilang ama nang hindi nito nalalaman ang dahilan.

Upang maisakatuparan ang birthday surprise, namili muna si Vien ng mga sangkap na kakailanganin para sa cake. Matapos ang grocery run at pagbili ng ilang baking supplies, umuwi siya upang gumawa ng chocolate cake kasama sina Mavi at Viela.

Sa naturang vlog, makikitang aktibong nakilahok ang magkapatid sa paggawa ng birthday cake habang ginagabayan ng kanilang ina. Tumulong sina Mavi at Viela sa pagsukat at paglalagay ng mga sangkap tulad ng flour, baking powder, baking soda, at egg, gayundin sa paghahalo ng batter.

Kasunod nito, inilagay ni Vien sa oven ang inihandang timpla at naghintay na maluto ito. Habang naghihintay, inihanda naman niya ang chocolate ganache at icing bago pagsama-samahin ang apat na layer ng cake. Bagama’t aminado siyang hindi eksperto sa baking, ipinagpatuloy niya ang pagdekorasyon nito kasama ang mga bata.

Birthday Surprise

Matapos ang ilang oras na paghahanda, isinagawa na ng pamilya ang kanilang sorpresa para kay Junnie Boy. Pagdating nito sa bahay, sinalubong siya ng kanyang pamilya ng awiting “Happy Birthday” habang hawak ni Vien ang cake na sama-sama nilang ginawa.

Bukod sa homemade chocolate cake, iniabot din ng magkapatid ang mga drawing na inihanda nila para sa kanilang ama bilang karagdagang regalo. Nang tanungin kung sila ang gumawa ng cake, pabirong humingi ng paumanhin si Vien sa naging itsura nito at inaming hindi naging perpekto ang kinalabasan.

Gayunpaman, itinuring niya itong isang matagumpay na karanasan para sa unang episode ng kanyang seryeng “First Time With The Kids.”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

8 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

12 hours ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

12 hours ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

13 hours ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

13 hours ago

Viy Cortez-Velasquez’s Well-Loved Makeup Brand Is Giving Away PR Kits To Aspiring Content Creators

Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…

3 days ago

This website uses cookies.