Pinuno and Kuya Inday Perform First Gig as Acoustic Duo

Matapos ibahagi ang kanilang music sessions at paghahanap ng posibleng venue sa nakaraang vlog, ipinagpatuloy nina Pinuno at Kuya Inday ang paghahanda para sa kanilang planong unang live performance bilang ‘acoustic duo.’

Tunghayan ang mga naging kaganapan bago tuluyang matuloy ang kanilang kauna-unahang gig, kabilang ang paghingi nila ng permiso sa Team Payaman head na si Cong TV.

‘GIG’

Sa simula ng vlog, ipinakita nina Elijah Borreros, a.k.a. Pinuno, at Gemmar Sol, a.k.a Kuya Inday, ang ikatlong araw ng kanilang practice session kung saan muling sinubukan ng dalawa ang ilang kantang maaaring isama sa kanilang setlist.

Habang tumutugtog ng gitara si Pinuno, sinubukan ni Kuya Inday ang ilang awitin mula sa mga OPM artists gaya nina Freddie Aguilar at Rey Valera.

Sa gitna ng kanilang paghahanda, napag-usapan din nila ang posibilidad ng paghingi ng pahintulot kay Cong TV para sa kanilang performance. Nang mabanggit ang plano, ipinakita sa vlog ang tila pagkontra ni Cong sa kanilang balak.

Sa kabila nito, ipinagpatuloy ng dalawa ang kanilang paghahanda at nagbiro pa tungkol sa posibilidad na ituloy ang kanilang plano. 

Kalaunan, nagtungo sina Pinuno at Kuya Inday sa BigRoy’s Boodle Fight, kung saan sila sinalubong ng may-ari na si Roy Aguilo Jr. at ipinakilala bilang mga performer ng gabi. 

Bago magsimula, nagbahagi si Pinuno ng maikling mensahe tungkol sa mga taong may mga nakatagong talento ngunit hindi nabibigyan ng pagkakataong maipakita ang mga ito dahil sa hiya, trabaho, o iba pang responsibilidad sa buhay.

“Marami sa atin ‘yung may mga tinatagong talento. ‘Yung iba, nahihiya lang. ‘Yung iba hindi lang nabibigyan ng chance. ‘Yung iba naman… dahil meron ng responsibilidad sa buhay, trabaho, kaya hindi na nila nailalabas. Pero kahit ganon, tuloy pa rin ang buhay,” ani Pinuno.

Sa kanilang performance, inawit ni Kuya Inday ang ilang OPM classics, kabilang ang “Maging Sino Ka Man,” “Ipaglalaban Mo,” at “Minamahal Kita,” habang si Pinuno naman ang tumugtog ng gitara.

Nakatanggap naman sila ng positibong reaksyon mula sa mga manonood, na nagpakita ng suporta sa pamamagitan ng palakpakan at pagkuha ng mga video ng kanilang pagtatanghal.

Netizens’ Comments

Samantala, umani rin ng papuri mula sa netizens ang boses ni Kuya Inday, kalakip ang mga mensahe ng suporta para sa kanilang planong acoustic performances.

@KuyaTerio29: “Ang lakas mo talaga, Tisoy! More cover songs pa niyo ni Pinuno.”

@koreanbug: “Go, [Kuya] Inday! Galingan mo sa pag kanta! Ang galing mo! Salamat sa pag kanta ng ‘Kumusta Ka, Ipaglalaban Ko, Minamahal Kita’ version mo. Na-miss ko tuloy [ang] Tatay ko.”

@alvindiolola: “May boses si Kuya Inday. May boses meaning magaling, need lang talaga hasain. Nasa tono. Good choice of music para sa boses nya. It’s a YES for me.”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Reminisces About Her Old Vlogging Style in Episode 1 of “realiTViy” Vlog Series

Muling nagbabalik si Viviys sa kanyang old vlogging style kung saan mas personal ang mga…

7 hours ago

FAMILY GETAWAY: Boss Keng Grants Kids’ Quick Beach Trip Request

Matapos ang walang tigil na paghiling sa kanilang mga magulang, tinupad na nina Daddy Keng…

1 day ago

Cong TV and Aaron Oribe Face an Unexpected Friendship Test at Hard Rock Cafe Clark

Mula sa food trip hanggang sa mga hindi inaasahang pangyayari, naghatid sina Cong TV at…

1 day ago

Team Payaman’s Burong Takes Aki, Dudut, Kristel & Tita Krissy on a Fun Day Out

Sa pinakabagong upload ni Burong, tampok ang masayang bonding nila kasama ang kanyang asawang si…

1 day ago

Bridging Faith and Mental Health: Lord’s Flock Young Adults Gather for Strong Mind Spiritual Seminar

In observance of Suicide Prevention Month, communities worldwide are working to break the stigma surrounding…

1 day ago

Dudut Lang Teams Up With Euleen Castro for a Fun ‘Pares’ Cooking Vlog

Isang masaya at kwelang cooking vlog ang hatid ng Team Payaman cook na si Dudut…

1 day ago

This website uses cookies.