Ninong Ry Takes Team Payaman’s Dudut Lang on a Palengke Food Truck Adventure

Upang sanayin ang kanyang food truck sa paglilibot sa iba’t-ibang lugar, una nang inimbitahan ni Ninong Ry ang Team Payaman cook na si Dudut Lang.

Tunghayan ang mga tagpo sa kanilang masaya at nakakagutom na food truck adventure.

Palengke Food Truck

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng chef vlogger na si Ryan Morales Reyes, a.k.a Ninong Ry, ang unang paglabas ng kanyang food truck.

Inanyayahan niya ang kapwa cook na si Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang, sa ‘dry run’ ng kanyang food truck na ginanap sa Malabon Central Market.

Layunin ng food truck ni Ninong Ry na makapagluto at makapagbahagi ng pagkain sa sinumang lalapit sa kanila.

“Dahil nandito ka Dut, ‘yung mga kaibigan natin sa palengke kailangan nating paglutuan ng madali, masarap, at higit sa lahat, sustansyarap,” ani Ninong Ry.

Upang maisagawa ang kanilang layunin, gumamit sina Ninong Ry at Dudut Lang ng Star Nutrimeats Corned Beef bilang pangunahing sangkap, na personal nilang binili sa loob ng palengke.

Ayon sa dalawa, ang Star Nutrimeats Corned Beef ay naglalaman ng mga bitamina na siyang nakatutulong sa pangangalaga ng katawan.

Ilan sa kanilang mga iniluto ay Tortang Talong, Spaghetti, at Cheesy Banana Empanada na siyang ikinatuwa ng mga nakatikim nito.

“Masarap na masarap!” komento ng ilan.

Netizens’ Comments

Samantala, marami ang naghatid ng kanilang komento matapos mapanood ang nasabing palengke food truck adventure.

@JeremyCresencio: “PUBLIC SCHOOLS Ninong Ry as support sa kanilang nutrition program para sa mga malnourished pupils.”

@Alliyah1819: “Travel the Philippines po with Ninong’s food truck, tapos yung luto specialty ng bawat lugar na pinuntahan!”

@charlesaldwinsarzaba6630: “Ninong isa ako sa mga fans mo mula pa nung pandemic. Pinakita sakin ng kapatid ko yung video mo na gumagawa ng egg fried rice, at mula noon lagi na akong nanonood sayo. Ikaw ang lagi kong pinapanood during my college years habang nasa dorm ako sa UP, kasamang kumain at habang nagrereview. Ngayong nakagraduate na ko, ikaw pa rin pinapanood ko kapag nagpapahinga from review sa board exams. Continue making creative content ninong, and hope to see you in person!!!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez, Zeinab Harake, and Ivana Alawi Go On a Wild BARKADAKIP Adventure

Isang kwelang vlog collab ang hatid ng trio nina Viy Cortez-Velasquez, Zeinab Harake-Parks, at Ivana…

13 hours ago

READY NA BA SA INIT? Team Payaman’s Burong Shares Ways To Save Energy Amid Super El Niño

Dahil sa inaasahang epekto ng Super El Niño sa Pilipinas, mahalagang maging maingat sa ating…

16 hours ago

Kevin Hufana Features Roy Aguilo’s Journey of Redemption in ‘Higit sa Hatol: Home of Second Chances’ Documentary

Hindi natatapos sa paglaya ang mga hamon sa buhay ng mga dating bilanggo, dahil patuloy…

2 days ago

VIYond the Entrance: Discover What Team Payaman Fair Has to Offer

What if one ticket could bring you closer to your favorite influencers, introduce you to…

2 days ago

Japan Trip Cancelled: This Is Why Boss Keng & Junnie Boy Stayed Behind

Sa halip na pasalubong mula sa Japan, isang kwela at nakakaaliw na epic fail story…

3 days ago

COLN Returns With Heartfelt New Single ‘DAHIL SA’YO’

Muling naghatid ng bagong musika ang Filipino rap-rock at metal band na COLN sa pamamagitan…

3 days ago

This website uses cookies.