Cong TV Earns Historic Recognition at the FAMAS Broadcast Arts Awards 2026

Kaliwa’t kanang papuri ang natanggap ng Team Payaman headmaster na si Cong TV matapos niyang mag-uwi ng dalawang awards mula sa FAMAS.

Saksihan ang ultimate proud wife moment ni Viviys at tunghayan ang pagbati ng solid TP supporters para kay Cong TV.

Salute, Cong TV!

Kamakailan lang ay inanusyo ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards, o mas kilala bilang FAMAS, ang nominasyon ni Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, sa Best Comedy Show category.

Ang FAMAS ay isa sa mga prestihiyosong gawad-lupon na kumikilala sa mga malikhaing Pilipino sa iba’t-ibang larangan. 

Nitong July 20, dumalo ang mag-asawang Cong at Viy Cortez-Velasquez upang makiisa sa pagpaaparangal sa mga mag-uuwi ng pagkilala mula sa FAMAS.

Sa isang social media post, pauna na ang mensahe ni Viy para sa asawa: “Famas Broadcast Awards 2026! Kung ano man ang maging resulta alam mong proud kami sayo ng mga anak mo mahal. Ikaw palagi ang panalo para sa amin.”

Isa sa mga proudest moment ni Viy bilang asawa ay nang mag-uwi ng dalawang pagkilala ang asawang si Cong—FAMAS Breakthrough Award at Best Comedy Show Award.

Sa isang bukod na social media post, muling sumulat ng nakakaantig na mensahe si Viviys para sa asawa.

“Naging tulay ka at inspirasyon ng napakarami para mangarap at maniwalang posible ang mga pangarap. Nasaksihan ko ang bawat puyat, ang dedikasyon mo sa bawat kwento, mula sa pagbuo ng konsepto, pag-shoot, pag-edit, hanggang sa maibahagi mo ito sa mundo. Kaya sobrang saya ng puso ko na makita kang mabigyan ng ganitong karangalan. Deserve na deserve mo ito,” ani Viy.

“Lagi lang akong nasa tabi mo, ipinagmamalaki ka sa bawat hakbang. Excited na akong umuwi at sabihin sa mga anak natin na may award ang Dada nila,” dagdag niya pa.

Samantala, ipinahatid din ng kapwa niya nominado na si Joel Ravanera, a.k.a Malupiton, ang pagbati para kay Cong TV.

“Congratulations kuya Cong TV for famas award!!! Deserve!!! BAGO SI MALUPITON MERON NA CONG TV NA INSPIRATION!!!” pagbati ni Malupiton.

Nang tanggapin ang kanyang pagkilala, isang nakakaantig na mensahe ang hatid ni Cong sa mga manonood.

“Nawa’y ang award na ito ay magsilbing inspirasyon hindi lang sa akin kundi sa mga susunod na henerasyon ng mga lalabas na content creator katulad ko. Tayo ang huhubog sa susunod na henerasyon ng mga Pilipino kaya i-make sure natin na gagawin natin ang tama para sa kanila,” aniya.

“Sa ating dalawa ‘to, pare [Malupiton]. I love you! Galingan pa natin at gawin pa natin ang makakaya natin para makapag-entertain,” dagdag pa niya.

Congratulatory Messages

Samantala, marami ang natuwa at nagpahatid ng kanilang pagbati para sa nag-iisang Mossing Cong TV.

Princess Katrina Vizcarra: “Congratulations, mossing! Sana mag upload ka na regularly hindi monthly, sayang awards HAHAHAHAHA”

GR Reyes: “Dahil may award, kailangan mo na magvlog ulit. Once a week pwede na. Congratulations Moss Cong!”

Tristan Kim Principe: “Hindi biro yung mga kalaban sa award. Tinde talaga!”

Sheryl Villanueva Pallat: “Cong! Congratulations to Team Cong TV & Team Payaman.”

Glenda Estebat Gamatan: “Congratulations Boss Cong!”

Yenny Certeza

Recent Posts

Ate Ivy Cortez-Ragos Takes Pinoy History to the Streets with Her New Mini Vlog

Mahilig ka ba sa mga lumang dokumentaryo o kwento tungkol sa ating bansa? Ganyan na…

8 hours ago

Netizens React to Vien Iligan-Velasquez’s Heartfelt Message Addressing Critics

Punong-puno ng inspirasyon ang mensahe ni Vien Iligan-Velasquez para sa kanyang mga bashers matapos niyang…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares New OOTD Picks from SHEIN Philippines

Known for her classic and aesthetic OOTD picks, Viy Cortez-Velasquez is back with a fresh…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Comes Back with a Family Life Update Vlog

Muling nagbabalik ang Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez sa pagva-vlog hatid ang latest…

3 days ago

Kidlat Shines in Christmas-Ready Fits from Moose Gear Kids

With the Christmas season approaching, Team Payaman’s youngest member, Kidlat, shines in his recent fit…

3 days ago

Kha Kha Villes Expresses Gratitude to Team Payaman Amid Personal Loss

Sa gitna ng pagdadalamhati matapos ang pagkawala ng kanilang inaasahang anak, nagpahayag ng pasasalamat ang…

3 days ago

This website uses cookies.