Yiv Cortez Shares Skin Update After Undergoing Multiple Aesthetic Procedures

Matapos sumailalim sa ilang facial procedures, nagbigay ng update ang Team Payaman next-gen vlogger na si Yiv Cortez tungkol sa mga pagbabagong napansin niya sa kanyang balat at itsura.

Alamin ang mga detalyeng ibinahagi niya kaugnay ng ilan sa kanyang beauty at skincare concerns.

Yiv’s Skin Update

Kamakailan, isa-isang ibinahagi ni Yiv Cortez ang naging epekto ng ilan sa mga treatment na kanyang sinubukan, kabilang ang ‘Jawtox’ at iba pang procedure para sa kanyang balat.

Ayon kay Yiv, isa sa pinakamalaking pagbabagong kanyang napansin ay ang pagbawas ng pagiging aktibo ng kanyang panga matapos magpa-Jawtox. 

“Number one na na-notice ko talaga is ‘yung changes noong nagpa-jawtox and mesolipo na ako. Kasi talagang hindi naging active ‘yung jaw ko. Kapag tulog kasi ako, talagang malakas akong mag teeth grinding, ganun,” kwento ni Yiv.

Bukod  dito, sinabi rin niyang nakakita siya ng pagbabago sa bahagi ng kanyang pisngi matapos sumailalim sa ‘Mesolipo.’ Aniya, isa ito sa mga concern niya noon kaya agad niyang napansin ang epekto ng procedure sa hugis ng kanyang mukha.

Pagdating naman sa kanyang balat, ibinahagi ni Yiv na bagama’t patuloy pa ring bumabalik ang kanyang pimples dahil sa hormonal acne, nakatulong umano ang ‘Pico Laser’ sa pagpapabawas ng acne marks. 

Gayunpaman, nilinaw niyang nananatiling bahagi ng kanyang kondisyon ang pana-panahong paglitaw ng mga pimples, lalo na kapag malapit na ang kanyang menstrual cycle.

Sa huli, ibinahagi ni Yiv ang kanyang personal na karanasan sa mga naturang procedure at sinabi niyang maaaring maging option ang mga ito para sa mga indibidwal na may katulad na concerns, tulad ng teeth grinding at facial contouring.

Angelica Sarte

Recent Posts

3 Reasons B1T1 Takeaway Coffee is the Ultimate Fuel for Busy Mornings

Coffee is a non-negotiable staple for every Filipino—not just in the morning, but throughout the…

3 days ago

Luxury in a Cup: How B1T1 Takeaway Coffee Bridges Quality and Everyday Pricing

In today’s fast-paced world, coffee has become the go-to for every Filipino in daily life.…

4 days ago

Velasquez Family Brings Love, Laughter, and Healthy Family Bonding to Purple Hearts’ Newest Campaign

The Velasquez Family proudly shared a special project close to their hearts as they teamed…

6 days ago

Boss Keng Switches Up His Daily Routine With Fitness and Family Bonding

Sa gitna ng pagiging abala sa araw-araw, sinubukan ni Boss Keng na baguhin ang kanyang…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Turns Japan Trip Into a Special Experience for Ate Mina

Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…

1 week ago

MassKarambulan: Team Payaman Wild Dogs Take Over Bacolod with Mountain Dew

Isang masayang pagbabalik-tanaw sa kabataan at mga kwentong puno ng tawanan ang hatid ng bagong…

1 week ago

This website uses cookies.