Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Named New Brand Ambassadors of Hikari Skin Essentials

Isa sa mga unti-unting nakilala sa wellness at skincare industry ang Hikari Skin Essentials. Mula sa ilang produkto noong nagsisimula pa lang ang nasabing negosyo, mas pinalawak nila ang kanilang line-up at ngayon ay nag-aalok na ng iba’t ibang skincare at wellness products na swak sa pang-araw-araw na lifestyle ng mga Pilipino.

Hikari’s Growing Journey

Habang patuloy ang paglaki ng kanilang community, mas dumadami rin ang mga collaborations at campaign na inilulunsad ng Hikari upang mas mapalapit sa kanilang customers at supporters. At ngayong taon, isa na namang exciting na announcement ang ibinahagi ng nasabing brand.

Noong July 16, 2026, opisyal na ipinakilala ng Hikari Skin Essentials ang Team Payaman power couple na sina Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV,  at Viy Cortez-Velasquez bilang pinakabagong brand ambassadors ng kanilang brand.

Kilala sina Cong at Viy hindi lang bilang content creators at entrepreneurs, kundi bilang isa sa mga pinakasikat na celebrity couples online. 

Sa bawat vlog, negosyo, at family updates ng mag-asawa, kitang-kita ng kanilang supporters ang natural na samahan at good vibes na lagi nilang dala.

A New Partnership With Cong and Viy

Sa official announcement ng Hikari, masaya nilang sinalubong ang bagong partnership sa caption na, “Hindi pwedeng isa lang. Kasi kahit sa healthy lifestyle, dapat couple goals pa rin. Welcome sa Pamilyang #PinakaMasaya, Cong & Viy!”

Agad namang umani ng mga nakakatuwang reaksyon ang post mula sa fans ng Team Payaman. Marami ang nagsabing bagay na bagay ang dalawa sa brand dahil pareho silang kilala sa pagiging relatable, hardworking, at game sa mga bagong opportunities.

Isa rin ito sa panibagong adisyon sa listahan ng brand partnerships nina Cong at Viy, na parehong aktibong sumusuporta sa mga produktong kanilang pinaniniwalaan. Dahil dito, inaasahan ng kanilang followers ang mas marami pang content, campaign videos, at iba’t ibang activities na pagsasamahan nila kasama ang Hikari.

Netizens Comments

Samantala, marami ang nagpahatid ng kanilang pagbati para sa mga bagong ambassadors ng Hikari Skin Essentials.

Aliah Lebajo: “Lakas maka-Marimar at Dingdong.”

Eliz Pagunzan: “Kaya pala nagg-glow si Cong sa vlog!”

Erika Leigh G. Pacubas: “Taray ni Ate Viy, may sarili nang Papa P.”

Rakelly Espenida: “Wow, nag-eendorse na si Cong ng pang-beauty!”

Lilia Roberly Tanji: “Wow, ganda ng babae at ganda rin ng lalaki!”

Janine Zarah Villamil Buhi: “Congrats sa inyong dalawa! Deserve n’yo po ‘yan.”

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Ate Ivy Cortez-Ragos Takes Pinoy History to the Streets with Her New Mini Vlog

Mahilig ka ba sa mga lumang dokumentaryo o kwento tungkol sa ating bansa? Ganyan na…

8 hours ago

Netizens React to Vien Iligan-Velasquez’s Heartfelt Message Addressing Critics

Punong-puno ng inspirasyon ang mensahe ni Vien Iligan-Velasquez para sa kanyang mga bashers matapos niyang…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares New OOTD Picks from SHEIN Philippines

Known for her classic and aesthetic OOTD picks, Viy Cortez-Velasquez is back with a fresh…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Comes Back with a Family Life Update Vlog

Muling nagbabalik ang Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez sa pagva-vlog hatid ang latest…

3 days ago

Kidlat Shines in Christmas-Ready Fits from Moose Gear Kids

With the Christmas season approaching, Team Payaman’s youngest member, Kidlat, shines in his recent fit…

3 days ago

Kha Kha Villes Expresses Gratitude to Team Payaman Amid Personal Loss

Sa gitna ng pagdadalamhati matapos ang pagkawala ng kanilang inaasahang anak, nagpahayag ng pasasalamat ang…

3 days ago

This website uses cookies.