Isang bagong yugto sa pickleball journey ni Boss Keng ang nasaksihan ng kanyang mga manonood matapos niyang ibahagi ang pagbuo ng Team Alfonso para sa nalalapit na professional pickleball league sa bansa.
Sa naturang vlog, ipinakita niya ang contract signing, mga pagpupulong kasama ang mga opisyal ng Alfonso, at ilan sa mga planong inihahanda para sa kuponan.
Sa simula ng vlog, makikitang bumiyahe si Boss Keng kasama ang ilang miyembro ng kanyang grupo patungong Alfonso para sa isang serye ng meetings at contract signing kaugnay ng nalalapit na liga ng Maharlika Pilipinas Pickleball Tour o MPPT, na inorganisa ng kampo ng boxing legend na si Manny Pacquiao.
Ayon kay Boss Keng, kabilang sila sa mga napiling mag-represent ng Team Alfonso sa nasabing tournament, kung saan posible rin siyang magkaroon ng papel sa management ng kuponan.
“Para sa kalaman niyong lahat, may magagaganap na pa-liga si Pacquiao. At kasali po tayo sa liga ni Pacquiao, pero baka hindi naman ako mag-play niyan. Baka nasa management ako. Isa tayo sa mga napili para mag-represent ng Team Alfonso,” ani Boss Keng.
Kasama rin niya sa vlog ang Pickle Yard Conference League o PYCL 2026 champion na si Al Quiza, na opisyal na pumirma bilang unang player ng Team Alfonso.
Sa isinagawang meeting kasama si Mayor Randy Salamat at iba pang opisyal, iminungkahi ni Boss Keng ang pagsasagawa ng open tryouts upang mabigyan ng pagkakataon ang mga lokal na manlalaro na makapasok sa Team Alfonso.
Bukod dito, napag-usapan din ang posibilidad ng pagkakaroon ng name at logo contest para sa team, pati ang pag-oorganisa ng tournament bilang paghahanda sa liga.
Ibinahagi rin ni Boss Keng ang plano niyang gamitin ang digital content upang mas mapalawak ang abot ng kuponan at maipakilala ang Alfonso bilang destinasyon ng turismo. Kabilang sa mga ideya ang paggawa ng vlog series na magtatampok sa iba’t ibang pasyalan, establisimyento, at kainan sa bayan upang mas makilala ito ng mas maraming tao.
Sa pagtatapos ng vlog, ipinahayag ni Boss Keng ang kanyang excitement sa proyekto at sa potensyal nitong makatulong hindi lamang sa pickleball community kundi pati na rin sa pagpapalawak ng pagkilala sa Alfonso bilang isang destinasyon.
Samantala, nagpahayag ng paghanga ang ilang netizens sa husay ni Boss Keng sa pakikitungo sa mga tao at sa patuloy niyang pagpapahalaga sa Team Payaman.
@RielBercasio: “Kitang-kita pagiging business major ni Boss Keng, ah. Swabe.”
@arremlucero9031: “Saludo kay Boss Keng. Ang galing humarap at makipag usap sa tao.”
@SIMBA0327: “Solid, Team Payaman! Kakatuwa at kakaproud ka Boss Keng kasi talagang halos lahat ng vlogs mo makikita talaga ang Team Payaman logo! Kahit magkaibang bahay na kayo is talaga nakalagay pa rin ang logo!”
Watch the full vlog below:
Isang ‘TV’ prank ang hatid ni Cong TV sa asawa niyang si Viy Cortez-Velasquez na…
Isang espesyal na araw ang naging ganap sa bahay ni Aaron Macacua a.k.a. Burong matapos…
Sa gitna ng patuloy na paglaki ng kanyang online presence, ibinahagi ni Vien Iligan-Velasquez ang…
If you’re looking to upgrade your everyday wardrobe with comfortable, affordable, and effortlessly stylish pieces,…
Proud na ibinahagi ng Team Payaman mom na si Pat Velasquez-Gaspar ang recent academic milestone…
Ibinahagi ni Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang one-year fitness journey kasama ang Beauty Couture Aesthetic Clinic,…
This website uses cookies.