A New Home, New Memories: Burong Shares Glimpse of Their House Blessing Celebration

Isang espesyal na araw ang naging ganap sa bahay ni Aaron Macacua a.k.a. Burong matapos nilang isagawa ang kanilang house blessing na ipinasilip niya sa kanyang bagong vlog. 

Pero gaya ng inaasahan, hindi lang simpleng blessing ang naganap dahil napuno ito ng tawanan, asaran, at kwentuhang napunta kung saan-saan.

House Blessing

Bago pa man dumating si Father, nauna muna ang kanilang pagsasalu-salo. Habang naghihintay, sinulit muna nila ang oras upang kumain at mag-enjoy sa mga handa. 

Habang nagkukwentuhan, napunta rin ang usapan sa kung ano ang mga katangian ng isang blessed at peaceful na tahanan. Pero imbes na maging seryoso lang ang sagutan, nauwi rin ito sa biruan at asaran dahil sa ilang nakakagulat na tanong at sagot ng grupo.

Nang dumating na si Father, saka nagsimula ang house blessing. Naging espesyal ang moment para sa kanilang bagong tahanan.

Hindi rin nagpahuli ang mga alagang pusa nina Burong na si Miao Miao at alaga ni Dudut na si Bruno. Nauwi sa tawanan ang kanilang mga titigan at agawan ng pagkain. Ayon pa sa asawa ni Burong na si Aki, alagang-alaga nila si Miao Miao at cat food din ang madalas nitong kinakain.

Unexpected Adventures

Hindi lang house blessing ang napag-usapan dahil napunta rin ang kwentuhan sa Hong Kong trip nila ni Cong TV kasama sina Junnie Boy at Boss Keng. Mula sa biglaang tawag, booking, hanggang sa pag-aayos ng plano, naging parte rin ito ng kanilang chikahan.

Kwento ni Burong, may usapan pa sila ni Boss Keng na hindi sila makakasama dahil naka-budget lang at may naka-schedule din siyang podcast guesting. Pero ang plot twist—sumunod pa rin sina Junnie Boy at Boss Keng dahil sila raw ay binook ni Cong TV. Ayon sa biruan nila, kaya hindi isinama si Burong ay para wala nang kahati sa libre.

Sa huli, sinabi ni Burong na kahit hindi siya nakasama sa Hong Kong trip, tutuparin pa rin niya ang pangako niyang manlilibre sa Playhouse pagkatapos nilang maglaro ng pickleball, gaya ng nabanggit niya sa dati nilang vlog.

Watch the full vlog below:

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Lead Purple Hearts by Kryzl’s Spooktacular Product Launch

Puno ng saya, tawanan, at Halloween excitement ang #PurpleAndTreats2026 na ginanap noong October 26, 2026…

2 hours ago

Viy Cortez, Zeinab Harake, and Ivana Alawi Go All-Out in a Fun Public Resort Bonding

Naging instant source of good vibes at katatawanan online ang bonding ng magkakaibigang Zeinab Harake-Parks,…

6 hours ago

Velasquez Family Brings Love, Laughter, and Healthy Family Bonding to Purple Hearts’ Newest Campaign

The Velasquez Family proudly shared a special project close to their hearts as they teamed…

6 days ago

Boss Keng Switches Up His Daily Routine With Fitness and Family Bonding

Sa gitna ng pagiging abala sa araw-araw, sinubukan ni Boss Keng na baguhin ang kanyang…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Turns Japan Trip Into a Special Experience for Ate Mina

Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…

1 week ago

MassKarambulan: Team Payaman Wild Dogs Take Over Bacolod with Mountain Dew

Isang masayang pagbabalik-tanaw sa kabataan at mga kwentong puno ng tawanan ang hatid ng bagong…

1 week ago

This website uses cookies.