Vien Iligan-Velasquez Opens Up About Public Misconceptions on ‘Chino on Deck’

Sa gitna ng patuloy na paglaki ng kanyang online presence, ibinahagi ni Vien Iligan-Velasquez ang kanyang saloobin hinggil sa mga maling pananaw at impresyong madalas niyang natatanggap mula sa ilang netizens.

Sa kanyang panayam kay Chino Liu sa Chino on Deck, tinalakay ni Vien kung paano nakaaapekto ang mga short clips at tinatawag na ‘spliced videos’ sa paraan ng paghusga ng publiko sa kanyang pagkatao.

Public Misconceptions

Sa ika-anim na episode ng Chino on Deck, napag-usapan ng dalawang Team Payaman members na sina Vien Iligan-Velasquez at host na si Chino Liu, a.k.a. Tita Krissy Achino, ang epekto ng online content sa pagbuo ng opinyon ng publiko, kabilang ang mga maling pananaw na madalas na iniuugnay sa content creator.

Ayon kay Vien, may mga pagkakataong tila nabubuo ang pagtingin ng ilang netizens sa kanyang pagkatao batay lamang sa mga napapanood nilang maiikling video clips at content na lumalabas online.

“Parang alam kasi ng mga viewers ‘yung pagkatao mo,” ani Vien.

Bilang tugon, sinabi ni Chino na iba ang naging personal niyang karanasan kay Vien kumpara sa mga karaniwang komento na nababasa online. Ayon sa host, isa si Vien sa mga nagpapatunay na hindi dapat agad paniwalaan ang lahat ng nakikita sa internet.

Sa pagpapatuloy ng kanilang usapan, inamin ni Vien na isa sa mga katangiang hindi gaanong napapansin ng publiko ay ang kanyang pagiging mahiyain.

Bagama’t madaldal si Vien sa sarili niyang vlog at komportable kasama ang mga kaibigan sa Team Payaman, ibinahagi niyang iba ang kanyang personalidad kapag nasa mga events at nakakaharap ng mga hindi pa niya lubos na kakilala.

Bukod dito, ibinahagi rin nina Chino at Vien na marami sa mga miyembro ng Team Payaman ay likas na mahiyain sa totoong buhay, taliwas sa kanilang masayahin at palatawang personalidad sa kanilang mga vlog.

Sa kabila ng mga batikos online, ipinunto rin ni Vien na handa siyang magsalita kapag may mahalagang issue na kailangang bigyang-linaw. 

Bilang halimbawa, binanggit niya ang pagkakataong naglabas siya ng pahayag kaugnay ng umano’y pagnanakaw sa kanya, dahil nais niyang mailantad ang maling gawain upang hindi na ito maulit sa iba.

Netizens’ Comments

Samantala, nagpahayag ng suporta ang ilang netizens kay Vien at sinabing hindi nito dapat intindihin ang mga negatibong komento laban sa kanya.

@emmyrevil4128: “Mukhang strong lang talaga personality ni Vien and she knows her worth. May boundaries siya and that’s a lit, ha! Love you, girl. You’re so pretty. Don’t mind the bashers.”

@alayzamae172: “My bias. A strong woman and hindi people please. She is who she is.”

@Justwannazyseventeen: “Yes, true ‘yung mahiyain si ate Vien. Hahahaha! Naalala ko first time niya mag vlog, hindi niya alam paano gagawin. Saka kung nasa start pa lang, fan na kayo talaga malalaman niyo. Kahit si Roger na nakita ko sa Ayala Makati, nahihiya pa, eh.”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Lead Purple Hearts by Kryzl’s Spooktacular Product Launch

Puno ng saya, tawanan, at Halloween excitement ang #PurpleAndTreats2026 na ginanap noong October 26, 2026…

47 minutes ago

Viy Cortez, Zeinab Harake, and Ivana Alawi Go All-Out in a Fun Public Resort Bonding

Naging instant source of good vibes at katatawanan online ang bonding ng magkakaibigang Zeinab Harake-Parks,…

5 hours ago

Velasquez Family Brings Love, Laughter, and Healthy Family Bonding to Purple Hearts’ Newest Campaign

The Velasquez Family proudly shared a special project close to their hearts as they teamed…

6 days ago

Boss Keng Switches Up His Daily Routine With Fitness and Family Bonding

Sa gitna ng pagiging abala sa araw-araw, sinubukan ni Boss Keng na baguhin ang kanyang…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Turns Japan Trip Into a Special Experience for Ate Mina

Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…

1 week ago

MassKarambulan: Team Payaman Wild Dogs Take Over Bacolod with Mountain Dew

Isang masayang pagbabalik-tanaw sa kabataan at mga kwentong puno ng tawanan ang hatid ng bagong…

1 week ago

This website uses cookies.