Yiv Cortez Shares Self-Defense Training Experience for Women’s Safety Awareness

Panibagong hamon ang sinubukan ni Yiv Cortez sa ikatlong episode ng kanyang vlog series na “Trying New Things Until I Find What I Love.”

Sa pagkakataong ito, sumabak si Yiv sa self-defense training at ibinahagi ang mahahalagang aral na natutunan niya tungkol sa pagprotekta sa sarili, lalo na para sa kababaihan.

Self-Defense

Sa nasabing vlog, ipinakita ng Team Payaman next-gen vlogger na si Yiv Cortez ang ilan sa mga pangunahing bahagi ng kanyang unang self-defense session.

Matapos ang warm-up exercises, sumailalim si Yiv sa pagsasanay ng mga basic self-defense techniques na maaaring gamitin sa iba’t ibang sitwasyon, kabilang ang pag-atake mula sa harap at likod.

Ayon kay Yiv, panimulang bahagi pa lamang ito ng programa dahil may mga susunod pang session na magtuturo ng iba pang mahahalagang skills.

Bukod sa mga bagong kaalaman, naging makabuluhan rin para kay Yiv ang makasama ang iba pang kalahok sa training.

Dito, inamin ni Yiv na inaasahan niyang mag-isa lamang siya sa klase, ngunit naging inspirasyon niya ang determinasyon ng kanyang mga kasabay upang mas pagbutihin din ang kaniyang paglahok sa aktibidad.

“Siyempre, nakakatuwa kasi may mga kasabay ako. Akala ko solo flight lang ako, eh. Kitang-kita ko kung gaano sila ka-determinado sa ginagawa nila. Kaya, na-motivate din ako,” ani Yiv.

Sa huli, ibinahagi ni Yiv ang isa sa kanyang naging realizations matapos ang pagsasanay. Para sa kanya, mahalagang matutunan ng mga kababaihan ang self-defense bilang isang paraan ng paghahanda at pagprotekta sa sarili. 

Bagama’t umaasa siyang hindi kailanman kakailanganing gamitin ang mga natutunang technique, naniniwala siyang mas mainam na maging handa at may sapat na kaalaman sakaling humarap sa mga hindi inaasahang sitwasyon.

Angelica Sarte

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

15 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.