Isang kwela at hindi malilimutang Vietnam trip ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar kasama ang ilang Team Payaman members.
Alamin ang mga must-see tourist spots, pickleball courts, pati na rin ang ilang restaurant recos ni Pat sa kanyang latest travel vlog.
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar ang ilang pasilip sa kanilang Vietnam trip.
Kasama niya ang asawang si Boss Keng, pati na rin sina Vien Iligan-Velasquez, Junnie Boy, Venice Velasquez, at mag-asawang Cong TV at Viy Cortez-Velasquez na sumunod din sa Vietnam.
Pagkalapag sa Vietnam ay agad na naghanap ng pickleball gears sina Pat at sunod na nagfoodtrip.
Kinabukasan ay sinimulan ng TP Girls ang kanilang araw sa pamamagitan ng TikTok dance entry nina Pat, Vien, at Tiyang Venice.
Sunod nilang sibukan ang pagkain sa sikat na restaurant na Man Moi kung saan muli silang sumubok ng iba’t-ibang Vietnamese cuisine.
Kinagabihan, hindi rin nila pinalampas na masubukan ang City Bus Ride Tour kung saan nilibot nila ang ilan sa mga tourist spots sa Ho Chi Minh City at muling kumain sa Yakiniku para sa kanilang hapunan.
Bago matapos ang gabi, sinubukan din nila ang sikat na massage service ng Sen Trang Spa and Wellness na kilala sa kanilang head spa at full-body massages.
“No joke, ito ‘yung pinakamasarap na massage na na-try ko,” komento ni Pat.
Bago tuluyang matapos ang kanilang Vietnam trip, sumunod sina Cong TV at Viviys at sinimulan ang kanilang trip sa pamamagitan ng isang TikTok trend entry.
Watch the full vlog below:
Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…
Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…
Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…
Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…
For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…
Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…
This website uses cookies.