Yow Andrada Reflects on the Essence of Having a Reliable Backup in Life

Nagbahagi ng isang makabuluhang reyalisasyon ang content creator na si Yow Andrada matapos mapaisip tungkol sa konsepto ng pagkakaroon ng “extra” o “backup” sa buhay sa kanyang recent vlog.

Sa kanyang vlog, ikinuwento ni Yow kung paano niya naisip ang mga benepisyong dulot ng pagkakaroon ng isa pang sasakyan bukod sa ginagamit niya araw-araw. 

Ayon sa kanya, hindi naman ito tungkol sa pagyayabang o pagpapakita ng estado sa buhay, kundi tungkol sa mga praktikal na pakinabang na maaaring maidulot nito.

The Advantage of Having an Extra

Habang nagmumuni-muni, naitanong ni Yow sa kanyang mga kasama kung ano ang pakiramdam ng palaging may “extra” o may reserbang gamit na maaaring magamit anumang oras. Isa sa kanyang nakausap ay ang singer-songwriter na si Matthaios, na nagbigay rin ng sariling pananaw tungkol sa usapin.

Ayon kay Matthaios, maganda ang pagkakaroon ng ekstrang gamit dahil nagbibigay ito ng mas maraming opsyon. 

Aniya, kung may reserba ka, hindi mo kailangang gamitin agad ang pangunahing gamit mo at maaari mo itong mapanatili nang mas matagal. Tinawag pa niya itong isang “good problem,” dahil mas mabuting magkaroon ng dagdag na pagpipilian kaysa wala.

More Options, More Convenience

Sa kabuuan ng vlog, naging magaan at puno ng biruan ang usapan. Napag-usapan din nila ang iba’t ibang sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay kung saan nagiging kapaki-pakinabang ang pagkakaroon ng backup o alternatibong opsyon.

Sa huli, sinabi ni Yow na lalo niyang naunawaan ang halaga ng pagkakaroon ng “extra.”  Para sa kanya, mas maganda kung ang reserbang mayroon ka ay maaasahan, episyente, at praktikal. 

Hindi man ito isang pangangailangan para sa lahat, naniniwala siyang nakapagbibigay ito ng kaginhawaan at kapanatagan ng isip lalo na sa mga hindi inaasahang pagkakataon.

Para kay Yow, ang pagkakaroon ng “extra” ay hindi tungkol sa dami ng pag-aari, kundi tungkol sa pagiging handa at pagkakaroon ng isang bagay na maaari mong sandalan kapag kinakailangan kaya naman sa dulo ng vlog ay nagpakita siya ng pasilip ng kaniyang pagbili niya at pagkakaroon ng bagong kotse. 

Watch the full vlog below:

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez and Julia Montes Form an Unexpected Friendship

Sa unang episode ng CARTFUN, nakasama ni Viy ang aktres na si Julia Montes para…

4 days ago

Pat Velasquez-Gaspar Turns Her Kids’ Drawings Into 3D Creations With Bambu Lab

Seeing children bring their imagination to life can make family moments even more meaningful, especially…

5 days ago

Boss Keng’s Alfonso Siklab Hailed as MPPT Champs

Team Payaman's very own Boss Keng celebrates another milestone as his official pickleball team, Alfonso…

5 days ago

Team Payaman’s Bok Shares First Pickleball Sessions in Latest Vlog

Sa kaniyang pinakabagong vlog, nagbigay si Bok ng masayang pasilip sa pagsisimula ng kaniyang Pickleball…

5 days ago

One Fair, One Vision: Team Payaman Fair 2026 Brings Exhibitors Together For A Day Of Preparation And Collaboration

With excitement building for one of the biggest events this holiday season, Team Payaman Fair…

6 days ago

CIELO’s Clear Jello Blush Makes a Comeback With a New Bestie This December

CIELO Girls have more reasons to get excited this December as CIELO brings back its…

6 days ago

This website uses cookies.