AdVIENture in Tanay: Vien Iligan-Velasquez Drops the Ultimate Tanay, Rizal Travel Guide

Isinama ni Vien Iligan-Velasquez ang mga manonood sa Tanay trip ng kanilang pamilya sa kanyang latest vlog.

Alamin ang mga hindi dapat palampasing mga aktibidad at pook-pasyalan sa Tanay, Rizal.

AdVIENture in Tanay

Sa kanyang latest travel vlog, ibinahagi ni Vien Iligan-Velasquez ang mga tagpo sa kanilang family trip sa Tanay, Rizal.

Bago ang kanilang byahe, una na niyang binilhan ng mga gamit sa eskwela ang panganay na si Kuya Mavi.

Sunod naman niyang ipinasilip ang ilang hindi dapat palampasing mga aktibidad kung ikaw ay bibisita ng Tanay, Rizal.

Sa nasabing trip, kasama ni Vien ang kanyang mag-aama at ilang mga kaibigan at kapamilya bilang parte ng kanilang summer getaway.

Nanatili ang kanilang pamilya sa Hills and Stars Camp Reserve kung saan naging komportable ang kanilang pamamalagi ng ilang araw.

Ilan sa mga aktibidad na kanilang nasubukan ay ang pagliligo sa falls, pagsakay sa ATV,  at food trip.

Hindi maitago ang tuwa ng mga bata, lalo na nina Mavi at Viela nang makiisa sa mga nasabing aktibidad kasama ang kanilang Mommy at Daddy.

Kinagabihan, tahimik na kumain at bumuo ng bonfire sina Mommy Vien at Daddy Junnie. Sama-sama rin silang nag-ihaw ng hotdog at smores.

Netizens’ Comments

Samantala, marami ang naaliw sa masayang travel vlog na hatid ng pamilya Iligan-Velasquez.

@sidneysales2347: “We love you so much, mommy Vien!”

@therese8406: “Super caring talaga ni Kuya Mavi ~ Nag alala talaga sya sa mommy nya!”

@KatherineSanez: “THANK YOU FOR THIS THERAPY!”

@jannahcampana199: “Early, hehe watch ko muna! thank u for this mowm vien, another therapy nanaman. i’ll eat while watching!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Turns Japan Trip Into a Special Experience for Ate Mina

Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…

23 hours ago

MassKarambulan: Team Payaman Wild Dogs Take Over Bacolod with Mountain Dew

Isang masayang pagbabalik-tanaw sa kabataan at mga kwentong puno ng tawanan ang hatid ng bagong…

23 hours ago

Dudut Lang Exposes the Truth Behind His 11-Year Relationship and Team Payaman on ‘Galit-Galitan Podcast’!

Mas pinainit ang pinakabagong episode ng Galit-Galitan Podcast ng social media personality na si JB…

1 day ago

Cong TV and Junnie Boy Share Fatherhood Advice with Kevin Hermosada

Bago isalang ang kanyang Baby Austin, sumangguni ang soon-to-be daddy na si Kevin Hermosada kina…

3 days ago

REVERSE SURPRISE: Team Payaman Wild Dogs Surprise Dudut Lang with an Unexpected Guest

Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…

5 days ago

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

5 days ago

This website uses cookies.