Pay It Forward: Boss Keng and Friends Honor a Local Jeepney Driver

Isang nakakaantig na vlog content ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng kasama sina Coach JM, Mentos, at Sonny J.

Tunghayan ang kanilang pagkilala at pagtulong sa isang jeepney driver na labis na naapektuhan ng krisis sa bansa.

BYAHE NG AMA

Sa kanyang bagong vlog, inspirasyon ang hatid ni Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng, matapos niyang ibida ang isang jeepney driver.

Kasama niya ang kanyang mga kapwa TP members na sina Coach JM Macariola, Michael Magnata, a.k.a Mentos, at Nelson Mendoza, a.k.a Sonny J.

Bilang parte ng kanilang munting bonding, kanilang nilapitan si Tatay Terso upang rentahan ang kanyang jeep. 

“Kasama ko si Mentos, si Nelson, at ako para magtrabaho,” ani Boss Keng.

Si Mentos ang napiling magmaneho ng jeep habang tulong tulong naman sina Boss Keng sa paghahanap ng pasahero para kay Tatay Terso.

Patuloy din naman sila sa pagpapasaya ng mga pasahero upang hindi sila maburyo sa kani-kanilang mga byahe.

Matapos ang kanilang pamamasada, mas kinilala pa nina Boss Keng si Tatay Terso at inalam ang kanyang estado sa gitna ng krisis.

“‘Yung hindi pa nagtaas ‘yung gas, okay naman maka isang libo rin ayun din. [Pero ngayon], minsan inuwian na ako ng tatlong daan,” aniya.

Kwento pa ni Tatay Terso ay nasa hospital ang kanyang asawa dahilan upang doble ang kanyang pagkakayod upang makaipon ng pangbayad.

Nang matunghayan ng grupo nina Boss Keng ang hirap at pasakit na kinakaharap ng mga jeepney drivers, kanilang ipinaliwanag ang tunay na pinagdadaanan ng sambayanang Pilipino.

Matapos mamasada, inaya ni Boss Keng si Tatay Terso upang makasama kumain at kanya rin itong binigyan ng munting halaga ng pera bilang tulong sa kanyang panggastos.

“Deserve mo ‘yan Tay!” ani Coach JM.

“Salamat Lord!” pasasalamat naman ni Tatay Terso.

Touching Comments

Samantala, marami sa mga manonood ang nagpahatid ng kanilang pagbati matapos matunghayan ang nakakaantig na kwento sa likod ng vlog ni Boss Keng.

@ghiosoreta6542: “Salamat Boss Keng, driver din ang tatay ko naiintindihan ang sipag at sakripisyo nila. salamat sa pag tulong mo sa katulad ni tatay terso na lumalaban ng patas.”

@paulgregoryablona6957: “Yung evolution talaga ng content ng mga TP dads iba na talaga..from kalokohan to may may matutunan”

@dodgealbert: “More content like this Boss Keng. Para  yung mga wala sa Pinas (OFW, dating Filipino Citizen, etc.)  updated pa din sa nangyayari sa bansa natin lalo na sa mga ordinaryong Pilipino.”

@markangelolaranjo: “Mabuhay ang mga mabubuti at magigiting nating mga Jeepney Driver!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

17 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.