Gaano kalayo ang kaya mong lakbayin para sa isang “core memory”? Para sa Tenfour Productions na binubuo ng former Team Payaman editors na sina Steve Wijayawickrama, Agabus Maza, Carlo Santos, Ephraim Abarca, at Cyrill Factor, inabot ng apat na taon bago sa wakas ay matupad ang kanilang pinapangarap na hike.
Sa kanilang pinakabagong YouTube vlog, ipinakita ng grupo na hindi lang physical endurance ang sinubok sa kanila sa Mt. Sembrano, kundi ang mismong tibay ng kanilang pagkakaibigan.
Bago pa man ang akyatan, ibinahagi ni Cyrill ang reyalidad ng kanilang industriya. Bagamat pangarap na trabaho ang kanilang hawak, hindi sila nakaligtas sa bagsik ng burnout.
“May mga araw na kahit mahal mo ang ginagawa mo, mauubos ka pa rin,” ani Cyrill.
Ngunit ang hike ay hindi lang basta naging bakasyon kundi isa ring transisyon. Sa tulong ng outdoor footwear brand na Sandugo, hinarap ng grupo ang bagong yugto ng kanilang karera na iwanan ang pagiging simpleng videographers upang maging ganap na creative partners para sa kanilang mga dream brands.
Akala ng grupo ay magiging madali ang lahat dahil kilala ang Mt. Sembrano bilang isang beginner hike. Ngunit laking gulat ng tropa nang maranasan ang matatarik na trail at mga hagdanang kawayan, lalo na’t ang ilan sa kanila ay sumabak nang walang tulog ng tatlong araw dahil sa deadlines.
Sa gitna ng daan, unti-unting bumigay ang kanilang katawan. Ang kilalang matatag na si Steve ay nagsimula nang manghina, at ang karaniwang maingay na si Cy ay biglang tumahimik sa sobrang pagod.
Nang marating ng grupo ang tuktok, sinalubong sila ng isang matinding thunderstorm na may kasamang malalakas na kidlat.
Sa takot na tamaan ng kidlat, napilitan silang lahat na magsiksikan sa loob ng dalawang maliliit na tent. Sa gitna ng panganib at lamig, lumitaw ang tunay na malasakit ng mga editors sa isa’t isa.
Higit sa pagiging dokumentaryo ng kanilang Mt. Sembrano journey, ang vlog ay paalala rin para sa mga taong subsob sa trabaho. Nais ng Tenfour Productions na magsilbing inspirasyon ang kanilang kwento upang muling buhayin ng mga kapwa creatives ang kanilang nagbabagang passion.
Bagamat hindi alam kung kailan ito mauulit, tiniyak ng grupo na ang core memory na ito ay mananatiling nakaukit sa kasaysayan ng kanilang pagkakaibigan.
Watch the full vlog below:
Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…
Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…
Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…
For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…
Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…
Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…
This website uses cookies.