How Cong TV is Helping Genggeng Bounce Back After Failing a Subject

Isang laughtrip vlog ang hatid ni Cong TV matapos niyang malaman ang academic dilemma ng kapwa TP member na si Genggeng.

Alamin kung anong klaseng tulong at suporta ang hatid ni Cong TV para kay Genggeng at kung paano niya ito mapapagtagumpayan.

BALIK

Sa bagong vlog ni Cong TV, taas noong inamin ni Kevin Cancamo, a.k.a Genggeng, ang kanyang pinagdadaanan sa eskwelahan.

Kwento niya, kinailangan niyang ulitin ang kanyang Thesis Course sa kadahilanang masyadong broad ang kanyang napiling topic. Dahil dito, nakakuha siya ng mababang grado.

Nang malaman din ito ng kanyang Ate Viy, agad niyang hiniling na mapakinggan ang nilalaman ng kanyang thesis upang makita kung masyado nga ba malawak ang saklaw nito.

“Hindi ako papayag, gagawa tayo ng paraan!” biro ni Cong.

Matapos ang kanyang mock presentation, isinalang naman ni Cong si Genggeng sa field reporting kung saan kanilang sinubok ang kanyang galing sa pamamalita.

Mula sa daloy ng trapiko, lagay ng panahon, sports, hanggang sa dokumentaryo, taas noo itong sinubukan ni Genggeng.

Matapos ang kanilang side quests, nagpabaon ng mensahe si Cong pagdating sa pag-aaral ni Genggeng.

“Career-in mo ‘yan kasi naniniwala kami sa potential mo tsaka sa kaya mong gawin. Hindi malabo na isang araw, kung gugustuhin mo talaga ‘yang maging field reporter, naniniwala ako na kaya mo talaga,” mensahe ni Cong.

Motivational Messages

Samantala, marami ang nagpahatid ng kanilang inspirational messages para kay Genggeng.

@angeloaganan7422: “Geng reporter ako ng Bombo Radyo Philippines, Tara dito turuan kita. Andyan na yung potential kailangan lang focus.”

@VRRandoms: “Matatalo ka lang, kapag sumuko ka.” It brought me to tears Sir Cong. Life isn’t getting easier these days. Thank you for this.”

@Victoria-l3t7s2: “Geng! Oks lang yan!!!8 yrs ako sa college pero graduation ko na this June 2026. Hindi dahil sa thesis but financial pero kinaya pa rin!!! Ibat iba ang time ng bawat isa!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

16 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.