Ninong Ry Shares Recent Adventure With Team Payaman’s Cong TV and Junnie Boy

Isang masayang Cebu adventure trip ang hatid ni Ninong Ry kasama ang Team Payaman members na sina Junnie Boy at Cong TV.

Silipin ang mga tagpo sa masayang Cebu adventure ng kanilang grupo kasama ang Mountain Dew.

Cebu Adventure

Sa bagong vlog ni Ninong Ry, hatid niya ang mga pasilip sa kanyang Cebu adventure kasama sina Junnie Boy at Cong TV.

Kasama rin ng kanilang grupo ang Mountain Dew Philippines na kanilang kasangga sa kanilang pangmalakasang adventure.

Dahil sila ay nasa Cebu, hindi nila pinalampas na masubukan tikman ang ipinagmamalaki nilang Cebu Lechon mula sa Busdik.

Sunod naman sa kanilang agenda ay ang pagsubok sa pagsakay sa habal-habal, pagsakay sa zipline, at canyoneering —isa sa mga hindi pinapalampas na activity sa nasabing probinsya.

Kasama muli nila ang Mountain Dew Philippines na nagsilbing ‘fuel for adventure’ para sa kanilang adventure.

Matapos ang kanilang buwis buhay activities, muli silang sinalubong ng masarap na hapunan kasama ang Mountain Dew Philippines.

Kanilang tinikman ang ilan pang Cebu dishes mula sa ‘Payag’ gaya ng lechon kawali, tinolang manok, at Bam-i.

Netizens’ Comments

Marami ang natuwa sa kakaibang adventure na hatid ni Ninong Ry sa kanyang latest vlog.

@bellyjelllyyyyyy: “Diba? grabe ang tourism ng pilipinas, eto dapat binibigyang pansin, yung locals, the foods, the scenery na hindi man made hindi yung cover na nga lang ng tourism politiko pa. Thank you for this Nong, Cong, Junnie and ofc Mountain Dew. Pinoprove nyo na maganda talaga ang Pilipinas.”

@MichaelgoodplaceDark: “Hoping na maging official series to ng mountain dew, going to different places and trying their food and tourist destination. Sobrang ganda lang ng dynamics nila Ninong,  Cong tibe and Junnie. Kahit mahaba yung video hindi mo na mapapansin patapos na kasi ganun ka ganda yung naging flow ng vlog.”

@thegreatdaveg: “I have a Cebu trip with my friends this June and part of our itinerary is the Badian Canyoneering Adventure. Ever since na nagbook kami, as a big guy like Ninong Ry, I’ve had my reservations re: Canyoneering Adventure. Pero upon watching this VLOG of yours nong, ito na yung matagal ko nang hinihintay na confirmation kung tutuloy ba ako or hindi. Thanks nong! I wouldn’t miss this chance of a lifetime to experience a nature trip like this!”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
21
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *