From Vlogging to the Court: Team Payaman’s Pickleball Era Gets the KMJS Spotlight

Bumida ang ilang Team Payaman Pickleball players sa isang episode ng lifestyle television show na Kapuso Mo, Jessica Soho.

Tunghayan ang kanilang panayam kasama ang ilan sa mga manlalaro ng pickleball mula sa Team Payaman.

TP on KMJS

Nitong Mayo 31, ipinalabas sa kanilang Sunday episode ang ilang pickleball players ng Team Payaman kabilang na sina Cong TV, Viy Cortez-Velasquez, Pat Velasquez-Gaspar, Boss Keng, Vien Iligan-Velasquez, Junnie Boy, Dudut Lang, at Chino Liu.

Sa nasabing panayam, ibinahagi ng grupo ang dahilan kung bakit sila nahumaling sa paglalaro ng nasabing sport.

“Last year ako nagsimula maglaro ng pickleball. Kapag naiimbitahan ako ng kapatid ko, minsan naglalaro kami. Kasi itong pickleball, bonding na rin namin. Isa siya sa pinakamadaling aralin na sports, kumbaga hindi isya sobrang komplikado. Hindi mo kailangan sobrang athletic. Lalo kung may background ka sa sacket sports, medyo mas magiging madali siya sa’yo. The fast and the furious ‘yung bansag sa amin sa court. Kasi the fast kasi mabilis mapagod, the furious kasi mabilis magalit kapag mali yung tira,” kwento nina Viviys at Cong TV. 

Ayon kay Pat, malaki rin ang naitulong ng nasabing sports pagdating naman sa kanyang kalusugan.

“Malaking tulong po siya para sa akin as a mom kasi kailanga ko talaga siya sa self-care ko,” aniya.

Kwento rin ng kanilang grupo na nauna ang TP Wild Cats na mahumaling sa nasabing laro. Agad din naman silang sinundan ng ilang TP boys sa paglalaro.

“Nung na-try ko mag-pickleball, parang dun bumalik ‘yung resistensya ko, ‘yung lakas ng katawan ko, kasi hindi siya sobrang intense na sports eh,” kwento ni Junnie.

Nang tanungin ang grupo kung sino ang pinakamagaling, agad nilang tinuro si Boss Keng.

Excited ding ibinida nina Junnie Boy at Boss Keng ang Playhouse Pickle—pickleball court na binuo nila kasama si Dudut.

Ayon kina Junnie, P500/hr ang renta ng bawat court. P250/head naman ang participation fee sa kanilang open play.

Netizens’ Comments

Samantala, marami ang natuwa nang masaksihan ang paglabas ng Team Payaman sa episode ng KMJS.

Dodi Mendoza: “Hindi lang kyo nanalo sa star magic ng basketball nag pickleball na kyo. hhahaha. Kayo naman humamon sa Star Magic pakitaan nyo sila. Go Cong’s Ambilibabol Pikolbol!”

Jha Quijano: “Tayo kayo jan Team Payaman lumilipad ang Team ng Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho)”

Yenny Certeza

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

16 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.