Bumida ngayon sa latest single ni Matthaios na ‘Aye Mami’ ang Team Payaman member na si Dudut Lang.
Alamin ang kwento sa likod ng nasabing kanta at kung ano ang hatol ng mga tagapakinig sa kanilang obra.
Kamakailan lang ay inanunsyo ng singer-songwriter na si Jun Matthew Brecio, a.k.a Matthaios ang paglabas ng kanyang bagong awiting pinamagatang ‘Aye Mami.’
Bukod sa kanya, kasama rin niya sina Lonezo, Deypi, at ang Team Payaman member na si Jaime Marino de Guzman, a.k.a Dudut Lang.
Ang nasabing awitin ay may temang hango sa ‘Mexican’ aesthetic na nagnanais ipakita ang kanilang paghanga sa isang dilag.
Laman ng liriko ang paghanga hindi lamang sa ganda ng histura ng mga kababaihan, kung hindi pati na rin sa kanilang mga gawi at ugali.
Mapapanood ang music video ng ‘Aye Mami’ sa YouTube channel ni Matthaios, Lonezo, Deypi, at Dudut Lang.
Samantala, marami ang natuwa sa bagong awiting handog nina Dudut kasama si Matthaios.
@athena_bi: “Natupad na pangarap ni Hershey! Hehe so pretty!”
@khristinadecena6319: “Here because of Dudut!”
@Chonkydog: “Sinong andito dahil kay mamanok Hershey? hahaha”
@MajoyTejada: “Natupad na ang fantasy ni Mamanok Hershey!”
@Luv_lee30: “Congratulations, Kuya Jhom, Kuya Malone, Kuya Dut at Kuya Deypi! After a very long time, we had this amazing music video!”
Watch the full video below:
Muling naghatid ng bagong musika ang Filipino rap-rock at metal band na COLN sa pamamagitan…
Puno ng saya, tawanan, at Halloween excitement ang #PurpleAndTreats2026 na ginanap noong October 26, 2026…
Naging instant source of good vibes at katatawanan online ang bonding ng magkakaibigang Zeinab Harake-Parks,…
The Velasquez Family proudly shared a special project close to their hearts as they teamed…
Sa gitna ng pagiging abala sa araw-araw, sinubukan ni Boss Keng na baguhin ang kanyang…
Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…
This website uses cookies.