Bea Borres Steps Up as ‘Yaya for a Day’ for Kidlat and Baby Tokyo

Patunay na hindi biro ang buhay ng isang ina matapos humarap sa isang nakakaaliw ngunit mapanghamong misyon ang aktres at content creator na si Bea Borres. 

Sa kanyang pinakabagong vlog, sumabak siya bilang “Yaya for a Day” sa Team Payaman chikitings na sina Kuya Kidlat at Baby Tokyo.

Sa kanyang super-fun journey, ipinasilip ni Bea ang hirap at saya ng pag-aalaga sa dalawang anak nina Cong TV at Viviys na may magkaibang personalidad.

Becoming a ‘Yaya’ for a Day

Sa simula pa lang ng video, agad na nasubukan ang pasensya at diskarte ni Bea nang harapin si Kidlat. Matapos kasi itong pabirong ipakilala ni Mommy Viy bilang kanyang “new mom,” naging emosyonal ang bata at tumangging humiwalay sa kanyang ina.

Dahil dito, agad na nagpalit-diskarte si Bea. Mula sa pagiging new mom, nagpasiya siyang maging Yaya o playmate na lamang upang makuha ang loob ng bata.

“Hindi ako nagbe-beg sa lalaki. Ikaw lang ‘yung lalaking hinabol ko nang ganito!” pabirong hirit ni Bea habang sinusubukang amuin si Kidlat.

Sa kabilang banda, naging mas magaan naman ang gampanin ni Bea kay Baby Tokyo. Kabaligtaran ng kanyang kuya, naging napakahinahon at kalmado ng bunso kaya naman mabilis na nakuha ni Bea ang magaan nitong loob.

House Tour

Habang mahimbing na natutulog ang mga bata, nagkaroon ng pagkakataon si Bea na masilip ang walk-in closet ng pamilya. Dito ibinahagi ni Viy ang kanilang praktikal na diskarte sa pag-aayos ng bahay.

Ayon kay Viy, sa halip na gawing hiwalay na kwarto ng mga bata ang espasyo, mas pinili muna nila itong gawing walk-in closet. Sa ngayon kasi ay mas gusto muna ng mag-asawa na katabi sa pagtulog ang mga anak.

Bukod sa house tour, ibinahagi rin ni Viy ang nakaka-inspire na kwento sa likod ng kanilang pinaghirapang tahanan. 

Ayon sa kanya, umabot ng halos isang dekada ang proseso ng pag-iipon at pagpaplano nilang mag-asawa bago naitayo ang kanilang dream home.

Binigyang-diin ni Viviys na bago sila nag-invest sa sarili nilang bahay, inuna muna nilang mag-asawa na tulungan at ibili ng mga ari-arian ang kani-kanilang mga magulang at pamilya.

Fun and Games at the Mall

Upang tuluyang makuha ang loob ni Kidlat, isinama siya nina Viy at Bea sa mall upang maglaro sa arcade at mamili ng mga paborito nitong laruan, tulad ng Spiderman.

Dito na tuluyang lumambot ang loob ng panganay nina Mommy Viy at Daddy Cong. Matapos magtulungan sa mga laro at manalo ng mga ticket prizes, naging magkasundo rin ang dalawa. 

Natapos ang vlog sa isang matamis na yakap at high-five mula kay Kidlat bilang tanda na aprubado na si Bea as his new friend!

Watch the full vlog below:

Angel Asay

Recent Posts

Ate Ivy Cortez-Ragos Takes Pinoy History to the Streets with Her New Mini Vlog

Mahilig ka ba sa mga lumang dokumentaryo o kwento tungkol sa ating bansa? Ganyan na…

2 days ago

Netizens React to Vien Iligan-Velasquez’s Heartfelt Message Addressing Critics

Punong-puno ng inspirasyon ang mensahe ni Vien Iligan-Velasquez para sa kanyang mga bashers matapos niyang…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares New OOTD Picks from SHEIN Philippines

Known for her classic and aesthetic OOTD picks, Viy Cortez-Velasquez is back with a fresh…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Comes Back with a Family Life Update Vlog

Muling nagbabalik ang Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez sa pagva-vlog hatid ang latest…

4 days ago

Kidlat Shines in Christmas-Ready Fits from Moose Gear Kids

With the Christmas season approaching, Team Payaman’s youngest member, Kidlat, shines in his recent fit…

4 days ago

Kha Kha Villes Expresses Gratitude to Team Payaman Amid Personal Loss

Sa gitna ng pagdadalamhati matapos ang pagkawala ng kanilang inaasahang anak, nagpahayag ng pasasalamat ang…

4 days ago

This website uses cookies.