Ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar ang ilang pasilip sa kanyang buhay bilang isang nanay.
Samahan si Pat sa kanyang masayang bonding moments kasama ang mga anak na sina Isla at Ulap at asawang si Boss Keng.
Sa kanyang bagong vlog, una nang ibinahagi ni Pat sa kanyang mga manonood ang kanyang usual morning routine.
Pagkagising sa umaga, una na niyang nilalaro ang mga anak at tsaka naman niya sinimulan ang kanyang morning skincare routine.
Dahil ito ang unang araw ng home schooling session nina Isla at Ulap, hands on si Mommy Pat sa pagsama sa kanyang mga anak.
Kwento niya, napagdesisyunan nilang mag-asawang i-enroll si Ulap sa Kids Learning Ville upang maturuan ng basic skills gaya ng pakikinig at pagkabisa.
Matapos ang home schooling activity ng kanyang mga anak, kasama naman niya ang panganay na si Kuya Isla sa paghuhugas ng kanilang mga pinagkainan.
Sunod namang inaya ni Mommy Pat ang mga anak at asawang si Boss Keng upang sama-samang mamili ng kanilang grocery.
Samantala, marami ang natuwa nang ibahagi ni Mommy Pat ang ilang pasilip sa kanilang munting buhay.
@hariharoro: “That is why I love this family. Ang kalma lang tapos cuttiie talaga si Ulap at Isla!”
@KristineDotimas: “I love how simple Ate Pat is. Ang simple and ang ganda panoorin pag ganto. Sobrang sweet pa nila isla, ang cute po.”
@eileenmadula: “I love you Ate Pat so proud of you since then.”
@cherrylouintal9226: “Yung mga ganitong vlog ni Pat at Vien talaga gusto ko. Simple pero nag enjoy Ako hahaha. tsaka gusto Yung bonding ng family nila at Team Payaman.”
Watch the full vlog below:
Mahilig ka ba sa mga lumang dokumentaryo o kwento tungkol sa ating bansa? Ganyan na…
Punong-puno ng inspirasyon ang mensahe ni Vien Iligan-Velasquez para sa kanyang mga bashers matapos niyang…
Known for her classic and aesthetic OOTD picks, Viy Cortez-Velasquez is back with a fresh…
Muling nagbabalik ang Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez sa pagva-vlog hatid ang latest…
With the Christmas season approaching, Team Payaman’s youngest member, Kidlat, shines in his recent fit…
Sa gitna ng pagdadalamhati matapos ang pagkawala ng kanilang inaasahang anak, nagpahayag ng pasasalamat ang…
This website uses cookies.