Magtagumpay nga ba si Boss Keng sa hamon niya para sa kaibigang si Burong na magkaroon ng mas malusog na pamumuhay sa pamamagitan ng pickleball?
Alamin ang buong tagpo sa bagong vlog upload ni Boss Keng.
Sa panibagong vlog ni Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng, inilarawan niya si Burong bilang taong may kalakihan at may unhealthy lifestyle. Kaya naman minabuti niyang magsilbing inspirasyon sa pamamagitan ng pag-aya rito sa isang pickleball coaching session.
Upang muling mabuhay ang inner “Kitchen Devil, a.k.a KD” kay Burong, isinakatuparan ni Keng ang Project Burong: The best player in the whole world.
Sa pamamagitan ng isang house raid, nasaktuhan pa ni Keng na papunta sa Pilates session ang asawa ni Burong na si Aki Angulo-Macacua.
“Si Aki, sige ang pagpapaganda, pagpapapayat. Ikaw, sige ang paghilata mo. Ano, hahayaan mo na lang magkaroon ng ibang asawa si Aki kapag namatay ka?” tanong ni Keng kay Burong.
“Kaya mo ba, Burs? Ako ang magiging sagot sa mga pagkukulang mo pagdating sa pickleball,” hamon ni Boss Keng na siya namang sinang-ayunan ni Burong.
Pagdating sa court ay agad na sumabak si Burong sa intense training session kasama ang ilan pang Team Payaman Wild Dogs.
“Magtiwala ka sa hawak mo. Mag adjust ka rin,” mga payo ni Boss Keng.
Matapos ang session ay lubos naman ang excitement ni Burong.
“Sarap ng pawis. Jollibee naman, ya. After ng pawis, Jollibee,” biro niya.
Sa dulo ng vlog, isang motibasyonal na mensahe naman ang iniwan ni Boss Keng para kay Burong.
”Burong, kailangan mo na mag bawas-bawas. Magbawas ng kain, bawas ng timbang, at igalaw-galaw ang katawan. Itong pickleball natin isang way lang ‘to ng pagpapapayat. Pero, marami pang ways kung tinatamad ka,” ani Keng.
Ipinaalala rin nito ang importansya ng pangangalaga ng katawan hindi lang para sa sarili kundi para na rin sa mga mahal sa buhay.
“Kailangan mo alagaan ‘yung katawan mo kasi maraming nagmamahal sa’yo. Sana simulan mo na alagaan ‘yang sarili mo, para sa asawa mo at sa magiging pamilya mo. Hindi ka man mag champion sa pickleball, e mag champion ka sa pagpapapayat mo. Gawin mo ‘tong motivation. Love you!”
Lubos din naman ang paghanga ng mga netizens sa ginawa ni Boss Keng para sa kaibigan.
“Ito ang tunay na kaibigan, yayayain ka to be healthy! More power, Team Payaman Anbilibabol Pikelbol,” komento ng isang supporter.
Watch the full vlog below:
Sa halip na pasalubong mula sa Japan, isang kwela at nakakaaliw na epic fail story…
Muling naghatid ng bagong musika ang Filipino rap-rock at metal band na COLN sa pamamagitan…
Puno ng saya, tawanan, at Halloween excitement ang #PurpleAndTreats2026 na ginanap noong October 26, 2026…
Naging instant source of good vibes at katatawanan online ang bonding ng magkakaibigang Zeinab Harake-Parks,…
The Velasquez Family proudly shared a special project close to their hearts as they teamed…
Sa gitna ng pagiging abala sa araw-araw, sinubukan ni Boss Keng na baguhin ang kanyang…
This website uses cookies.