Walang humpay na katatawanan ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez kasama ang grupo ng RaLaiNa sa kanyang latest vlog upload.
Tunghayan ang mga makapanindig balahibong mga tagpo matapos kumasa ng kanilang grupo sa kakaibang challenge ni Viviys.
Sa kanyang bagong vlog, inimbitahan ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kapwa content creators na sina Jelai Andres, Rana Harake, at Sachzna Laparan.
Ipinakilala ni Viviys sa kanyang mga manonood ang bagong serye sa kanyang channel na pinamagatang ‘What’s On Your Feet’ kung saan iba’t-ibang uri ng hayop ang ilalagay sa kanilang mga paa sa tuwing sila ay matatalo sa mga hamong inihanda ni Viy.
Nilinaw naman ni Viy na ang mga hayop na kanilang isasama sa vlog ay inaalagaan ng mabuti ng kanilang caretaker na si Kuya Norman.
Para sa unang parte ng kanilang hamon, kinakailangang masagot nina Viy, kasama ang RaLaiNa ang mga tanong. Mayroong apat na pagpipilian upang makuha ang tamang sagot.
Dito nasubok ang talino ng apat at may iilang tanong na hindi nila nasagot dahilan upang lagyan ng iba’t-ibang insekto ang kanilang mga paa.
Sunod namang sumubok sa kanilang tapang ay ang pagsagot sa mga tanong nang walang anumang choices. Kanila namang napagtumpayan ang round na ito kung kaya’t walang idinagdag na insekto sa kanilang mga paa.
Para naman sa mga logic at trivia questions, ilang beses ding hindi nasagot nina Viviys ang sagot kaya naman bilang parusa, muli silang nilagyan ng iba’t-ibang klase ng insekto.
Isang masayang mini foodtrip din ang kanilang isinagawa sa kanilang ‘Guess The Food’ round kung saan marami ang nalikom na tamang sagot nina Viy at ng RaLaiNa.
Tinakpan ang kanilang mata at kinakailangang mahulaan nila ang pagkaing isinusubo sa kanila.
Para sa kanilang final game, kinakailangang kumanta ng mga kalahok habang naglalagay ng iba’t-ibang uri ng hayop sa kanilang mga paa.
Samantala, marami ang natuwa sa kwelang vlog collaboration ni Viy kasama sina Jelai, Rana, at Sachzna.
@kimonzaga5347: “Minamali ni Jelai pero feeling ko matalino siya. I love u Jelai!”
@loisabravo2203: “TAWANG TAWA AKO KAY VIY AT JELAI HAHAHAHAHAHAHAHA HAHAHAHAHAHA”
@Nicoleen_: “Si Rana, hindi basta-basta tinataas ang feet, so matapang!”
@elagomez6115: “Sakit ng tiyan ko kakatawa kay Jelai at Viy!”
Watch the full vlog below:
If your skincare shelf is crowded with too many bottles, it is time to simplify.…
Walang hanggang katatawanan ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez, Rana Harake, Jelai Andres, at Sachzna Laparan…
Buong galak na ibinahagi ng bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez na si Yiv Cortez ang…
Pinahanga ng Team Payaman girls na sina Vien Iligan-Velasquez at Aki Angulo-Macacua ang kanilang mga…
Paalam na nga ba sa Team Payaman Motoclub? Ito ang katanungang iniwan ni Boss Keng…
Isang masayang collaboration vlog ang masayang pinagsamahan ni Euleen Castro o mas kilala bilang Yobab…
This website uses cookies.