Ibinahagi ni Pat Velasquez-Gaspar sa Lavojoy Philippines ang kanyang honest at heartfelt realizations tungkol sa pagiging isang ina at kung paano niya hinaharap ang mga hamon ng motherhood habang inaalagaan din ang kanyang sarili.
Ayon kay Pat, isa sa pinakamagandang bahagi ng pagiging Nanay ay ang simpleng lambing at random kisses mula sa kanyang mga anak.
Kahit gaano raw kapagod at ka-overwhelming ang araw-araw na responsibilidad bilang ina, may mga maliliit na moments na sapat upang mapawi ang lahat ng pagod.
Aminado rin siya na mahirap ipaliwanag ang tunay na pakiramdam ng pagiging isang ina hangga’t hindi ito personal na nararanasan ng isang tao.
Dagdag pa ni Pat, malaking bagay ang pagiging understanding at pagkakaroon ng mas malalim na purpose sa buhay mula nang maging ina siya.
Para sa kanya, hindi lang tungkol sa pag-aalaga ng anak ang motherhood kundi pati na rin ang pag-aalaga sa sarili.
Bilang isang busy mom, naniniwala siya na mahalaga ang self-care dahil kung paano mo alagaan ang sarili mo ay ganoon mo rin maibibigay ang best care para sa iyong mga anak.
Isa sa kaniyang paraan para mag-unwind at mapangalagaan ang sarili ay ang paglalaro ng pickleball, dahilan kung bakit masaya niyang tinanggap ang imbitasyon ng Lavojoy Philippines.
Ibinahagi rin niya ang kahalagahan ng time management dahil bukod sa pagiging mommy, isa rin siyang wife at babae na may sariling buhay at priorities outside motherhood.
Mahilig ka ba sa mga lumang dokumentaryo o kwento tungkol sa ating bansa? Ganyan na…
Punong-puno ng inspirasyon ang mensahe ni Vien Iligan-Velasquez para sa kanyang mga bashers matapos niyang…
Known for her classic and aesthetic OOTD picks, Viy Cortez-Velasquez is back with a fresh…
Muling nagbabalik ang Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez sa pagva-vlog hatid ang latest…
With the Christmas season approaching, Team Payaman’s youngest member, Kidlat, shines in his recent fit…
Sa gitna ng pagdadalamhati matapos ang pagkawala ng kanilang inaasahang anak, nagpahayag ng pasasalamat ang…
This website uses cookies.