K-Merienda On A Budget: Viy Cortez-Velasquez Shares An Easy Way To Make Beef Samyang Roll

Kung ang hanap mo ay Korean-inspired merienda na swak sa budget at kayang gawin sa loob ng bahay, sagot na ni Viviys ‘yan!

Alamin kung paano nga ba gawin ang ‘Beef Samyang Roll’ na ibinahagi ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang latest cooking vlog. 

Beef Samyang Roll a la Viviys

Sa kanyang recently-uploaded cooking vlog, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga panuto kung paano gumawa ng Beef Samyang roll. 

“Nakita ko lang siya [online] tapos natakam ako. Imbis na pumunta ako doon [sa mga food park], itatry ko siyang gawin ng sarili ko,” bungad niya.

Para sa kanyang beef strips, bumili ng karne si Viviys mula sa Premium Choice Meatshop upang masiguro ang kalidad nito.

Una na niyang inilatag sa beef strips ang lettuce at nilutong Samyang noodles. Kanya rin itong ipinaibabawan ng keso at tsaka nirolyo.

Ayon kay Viviys, upang mas sumarap pa ang ang kanyang Beef Samyang Roll, pwede rin itong dagdagan ng sikat Ssamjang sauce na may sesame oil kung nais ng kaunting anghang.

Upang mas madagdagan ang lasa, kanya rin itong binudburan ng asin at paminta bago isalang sa kawali upang iprito.

Pagkaluto, kanya itong nilagyan ng Japanese mayonnaise para sa karagdagang lasa.

“Ang sarap! In fairness, worth it siyang subukan, pero mae-enjoy mo rin ito kahit magkakahiwalay mo silang kakainin,” komento ni Viviys sa niluto.

Netizens’ Comments

Samantala, marami ang tila natakam sa masarap na meryendang hatid ni Viviys sa kanyang mga manonood.

Bambi: “Naalala ko isa sa unang vlog ni Vy nagluto sila ng Samyang ni Cong! Hahaha!”

Beatriz Datay: “Mula sa unang vlog na samyang to samyang roll!”

Patricia Piandiong – Orario: “Yung hindi ko inintindi yung niluto mo, kase naka titig lang ako sa mukha mo HAHAHHA ang fresh grabe!!”

Alle May: “200-250 pesos yan Ms. Viy hahaha. Napakamahal pero worth it yung food!”

Watch the full video below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

16 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.