Team Iligan-Velasquez Shares Snaps of Their Recent Hong Kong Disneyland’s 20th Year Celebration Experience

Isang hindi malilimutang karanasan ang ibinahagi nina Mommy Vien at Daddy Junnie matapos nilang makisaya sa ika-20 anibersaryo ng Hong Kong Disneyland.

Silipin ang mga tagpo sa masayang karanasan ng pamilya Iligan-Velasquez sa tinaguriang ‘happiest place on Earth.’

Team Iligan-Velasquez x HK Disneyland

Sa kanilang recently-uploaded video, ibinahagi ng mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez ang mga tagpo sa kanilang recent Hong Kong Trip.

“We had the best time on this family getaway – just pure dancing and laughter with our favourite Disney friends! From the castle show to the largest‑ever parade and the nighttime spectacular, every moment was so worth it,” ani Daddy Junnie sa kanyang post.

Hindi nawala sa kanilang itinerary ang pagbisita at pakikisaya sa 20th-year celebration ng Hong Kong Disneyland na talagang ikinatuwa nina Kuya Mavi at Alona Viela.

Hindi maitago ang tuwa ng kanilang mag-anak nang masaksihan nila ang “Friendtastic Parade” na kinabibilangan ng ilang kilalang Disney characters na ekslusibo lamang para sa nasabing selebrasyon.

Isa rin sa highlights ng kanilang Hong Kong Disneyland trip ay ang panonood ng Disney Friends Live sa gitna ng sikat na kastilyo sa gitna ng nasabing pasyalan.

Sumubok din ang mag-anak na sumakay sa iba’t-ibang rides na talaga namang hindi dapat palampasin ng mga turista.

Upang kumpletuhin ang kanilang Hong Kong Disneyland visit, hindi pinalampas nina Mommy Vien, Daddy Junnie, Kuya Mavi, at Viela na masaksihan ang inaabangang Momentous o fireworks display bago magsara ang parke.

Inaanyayahan ng pamilya Iligan-Velasquez ang kanilang mga manonood na makisaya sa 20th-year celebration ng Hong Kong Disneyland hanggang June 7.

“Last call for @Hong Kong Disneyland‘s 20th anniversary celebration! The party only lasts until June 7! This is one party that you don’t wanna miss!” aniya sa nasabing post.

Netizens’ Comments

Samantala, marami ang natuwa sa masayang bonding na ipinasilip ng pamilya Iligan-Velasquez.

@aleirbag: “Ang swerte ng pamilyang ito!”

@vienniefanaccount: “So so proud of you all, my Iligan-Velasquez family. Malayo na ang narating niyo!”

Watch the full video below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

17 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.