
Sumalang sa pagluluto si Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang panganay na anak na si Zeus Emmanuel Velasquez at kaibigang si Chino Liu.
Mapagtagumpayan kaya nilang maibenta ang kanilang inihandang Pork Giniling?
Le Ground Porque Contigo
Sa kanyang recently-uploaded video, isang masayang cooking session ang hatid nina Mommy Viy, Kidlat, at Chino.
Para sa panibagong episode ng ‘Luto Mo, Benta Mo,’ naisipan nilang magluto ng pork giniling sa malaking kawaling ipinundar ni Viviys.

Nakiisa rin si Kidlat sa pagtulong na mailagay ang mga rekado sa kawali habang si Chino naman ang abala sa paghahalo ng mga ito.
Naisipan nilang pangalanan ang nasabing putahe ng ‘Le Ground Porque Contigo’ at kanila rin itong prinesyuhan ng P550 kada tub.
Nang matapos na ang pagluluto, agad na sumugod sina Viviys at Chino sa loob ng bahay upang ialok ang kanilang hinandang pagkain.

Funny Comments
Samantala, marami ang natuwa nang mapanood ang nakakatuwang ‘Luto Mo, Benta Mo’ episode na handog ni Viviys.
Jerica Jun Galima: “Cute talaga ni Kidlat, hindi ako nanonood dati sa Team Payaman pero nung napanood ko si Kidlat, nanood na ako ngayon hehe cute na cute ako”
Maryann Velasco: “Marunong pala mag luto si Malupiton”
Joy Iverson: “Akala ko ba magaling mag luto si Ninong Ry?”
Watch the full video below:





