Viy Cortez-Velasquez, Jhon Mark Gon, and Heaven Peralejo Explore Marvin Agustin’s Newest Restaurant

Isang masayang food trip ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez kasama sina Jhon Mark Gon at Heaven Peralejo sa bagong restaurant ng aktor na si Marvin Agustin.

Tunghayan ang mga nakakatuwang mga tagpo at kung ano nga ba ang dapat abangan mula sa Mr. Monk Dimsum Roast.

Fun Food Trip

Sa kanyang recently-uploaded mini food vlog, nakasama ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kapwa content creator na si Jhon Mark Gon at aktres na si Heaven Peralejo.

Nagtungo ang kanilang grupo sa Mr. Monk Dimsum Roast ang bagong restaurant na pagmamay-ari ng aktor na si Marvin Agustin sa Eastwood City. 

Ang nasabing restaurant ay nag-aalok ng Chinese cuisine kagaya ng dimsum at Chinese roast.

Personal na pinagsilbihan ni Chef Marvin sina Viviys kung saan pinatikim niya ang ilan sa kanilang mga best-seller dimsums at main dishes.

“Ang bango! Nakakatakam. In fairness talaga, ang sarap magluto ni Sir Marvin,” komento ni Viviys.

Hindi na rin pinalampas ni Viviys na malaman ang mga kaganapan sa loob ng kusina sa tuwing naghahanda ng pagkain si Chef Marvin.

“Sa restaurant mayroon na tayong sukat diyan, dapat consistent. Sa bahay, tikim lang [ako] nang tikim. Kaya bago pa mag-lunch, busog na ako,” biro niya.

Kwento rin ni Chef Marvin, ang kanyang hilig sa pagluluto ang naging dahilan kung bakit siya nagtayo ng sariling negosyo.

“Wow, ‘yung experiment lang ni Sir naging resto na ngayon!” ani Viviys.

Netizens’ Comments

Samantala, marami ang nagpahatid ng kanilang komento matapos mapanood ang mini food vlog ni Viviys.

@justmemahprend: “First time kong makitang kalmado si Viy.”

@patified: “Gawin din sana ni Cong ‘yung mga transition ni Gong HAHAHA.”

@mk: “Totoo yun pg ikaw nagluluto prang busog kana kasi yung amoy din ng pagkain.”

Watch the full video below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Zeinab Harake-Parks and Ray Parks Proudly Announce Kids’ Official Name Change

Opisyal nang ‘Harake-Parks’ ang apelyidong dala ng magkapatid na Bia at Lucas Harake na siyang…

1 hour ago

Viy Cortez, Zeinab Harake, and Ivana Alawi Go On a Wild BARKADAKIP Adventure

Isang kwelang vlog collab ang hatid ng trio nina Viy Cortez-Velasquez, Zeinab Harake-Parks, at Ivana…

16 hours ago

READY NA BA SA INIT? Team Payaman’s Burong Shares Ways To Save Energy Amid Super El Niño

Dahil sa inaasahang epekto ng Super El Niño sa Pilipinas, mahalagang maging maingat sa ating…

19 hours ago

Kevin Hufana Features Roy Aguilo’s Journey of Redemption in ‘Higit sa Hatol: Home of Second Chances’ Documentary

Hindi natatapos sa paglaya ang mga hamon sa buhay ng mga dating bilanggo, dahil patuloy…

2 days ago

VIYond the Entrance: Discover What Team Payaman Fair Has to Offer

What if one ticket could bring you closer to your favorite influencers, introduce you to…

2 days ago

Japan Trip Cancelled: This Is Why Boss Keng & Junnie Boy Stayed Behind

Sa halip na pasalubong mula sa Japan, isang kwela at nakakaaliw na epic fail story…

3 days ago

This website uses cookies.