Vien Iligan-Velasquez Treats Viewers With More Snippets from Their Family’s Disney Cruise Adventure

Mas maraming family moments at pasilip sa loob ng Disney Cruise ang hatid ng second part ng adventure ni Mommy Vien Iligan-Velasquez kasama ang kanyang pamilya na sina Junnie Boy, Mavi, at Viela. 

Dito, mas nakita ang everyday life onboard mula sa pagkain, kwentuhan, hanggang sa mga surprise Disney experiences na talagang ikinatuwa ng kanilang pamilya.

Family Bonding Moments

Sa pagbabalik nila sa kanilang state room, ipinakita nila ang kanilang simple ngunit komportable na pamamalagi sa nasabing kwarto.

Kumpleto ito sa gamit tulad ng cabinet, coffee station, refrigerator, at maayos na banyo. Disney-designed din ang nasabing kwarto dahil Ariel o Little Mermaid ang tema nito, kaya mas ramdam ang Disney vibe kahit nasa loob lang sila ng kwarto. 

Ayon kay Vien, mayroong sofa bed at veranda din na naging pahingahan nila habang nasa cruise.

Isa sa bonding moments nila ay ang lunch sa Pixar Market Restaurant sa 17th floor. Pinili nila dito kumain upang maiwasan ang siksikan, at simple lang pero masarap ang mga pagkain tulad ng chicken strips at fried rice. 

Para naman kina Mavi at Viela, super enjoy sila sa Oceaneer Club. Hindi pinalampas ng magkapatid na masubukan ang iba’t-ibang aktibidad dito.

The Elsa Suite

Isa sa pinaka-exciting na part ay ang pagpunta nila sa Elsa Suite kung saan ipinasilip ni Mommy Vien ang sala, themed-rooms, at ilang disenyo nito na hango sa Disney movie na ‘Frozen.’

Ipinakita rin sa vlog kung gaano kalaki ang cruise ship na may capacity na around 6,000 guests. Nilibot din nila ang iba’t ibang floors at themed areas tulad ng Imagination Garden at iba pang Disney spots sa loob ng barko.

Watch the full vlog below:

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Race to the Fair: Team Payaman Gears Up for a Fun Team Payaman Fair Teaser Vlog

Nagsama-sama ang mga miyembro ng sikat na vlogger group ng bansa na ‘Team Payaman’ para…

7 hours ago

From Gig to Studio: Pinuno and Kuya Inday Create Their Own Song

Mula sa isang gig performance, nauwi sa isang music project ang tambalan nina Elijah Borreros,…

10 hours ago

TICKETS ARE OUT: Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Tickets Are Now Up For Grabs

Team Payaman fans who missed the previous ticket-selling phases may soon get another shot at…

1 day ago

Team OG o SIGA: Donny Pangilinan and Team Payaman Wild Dogs Face Off in New Mang Tomas Ad

Muling nagsama ang tambalang Cong TV at Donny Pangilinan sa isang bagong advertisement ng Mang…

1 day ago

Cook Along with Dudut Lang In His Latest Camping Vlog

Samahan si Dudut Lang sa isang chill camping trip kasama sina Kristel, Burong, at Aki.…

2 days ago

Strength Beyond Skill: Boss Keng Leads Team Alfonso Siklab to MPPT

Naging pormal at puno ng saya ang ginanap na opisyal na media day at contract…

3 days ago

This website uses cookies.