Matapos ang halos dalawang buwan na walang upload, hatid ni Bok ay dalawang pangmalakasang vlogs na tampok ang ilang updates sa kanyang mga naging ganap sa buhay.
Sa unang vlog, ipinasilip ni Carlos Magnata, a.k.a Bok, ang kulitan sa bahay nina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez kung saan siya ay nagpakitang gilas rin sa pag gigitara.
Tampok din sa nasabing upload ang pagbisita nila ni Bods sa official barber ng Team Payaman na si Boss Jude upang makapagpagupit ng newest hairstyle.
Isa rin sa umaliw sa netizens ang behind-the-scenes pasilip ni Bok bilang isa sa mga candidate sa Episode 1 ng ‘Love at First Bite’ serye ni Viy Cortez-Velasquez.
Noong tinanong ni Bok kay Viviys kung bakit nga ba siya na-imbita sa serye upang kilalanin ang bestfriend nito na si Andi, ani Viviys ay “Kasi alam kong mabait ka, masipag ka […] Gusto ko makatagpo siya ng alam kong aalagaan siya, pagsisilbihan.”
Sa sumunod na araw, panibagong vlog naman ang ibinahagi ni Bok tampok ang isang motibasyon at pasilip sa kanyang Tito duties.
Isang mahalagang paalala mula kay Bok na intindihin ang physical health and fitness sa pamamagitan ng simpleng gym workout session.
Aniya, kahit pagod at nahihirapan sa buhay o kahit pa payat siya, sinusubukan pa rin niyang bumuhat ng weights paminsan-minsan.
“Dahil alam ko, at alam niyo, na kaya niyo rin kung anong ginagawa ko […] Dahil walang istoryang masaya kung hindi ka galing sa hirap,” motibasyon ni Bok sa mga manonood.
Matapos ang gym session, ipinasilip naman niya ang masayang playtime kasama sina Mavi at Viela kung saan tinuruan niya si Mavi na maghati ng dahon at sinamahan niya si Viela na magpalakad ng aso.
Watch the full vlogs below:
Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…
Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…
Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…
For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…
Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…
Cielo, an up-and-coming makeup brand, is creating a buzz on social media, with Viy Cortez-Velasquez…
This website uses cookies.