Team Boss Madam Kicks Off Summer with a Fun-Filled Beach Getaway

Masayang sinalubong ng Team Boss Madam ang panahon ng tag-init sa kanilang recent beach getaway. Sa pinakabagong vlog ni Boss Keng, ibinahagi niya ang makulay na bakasyon sa tabing-dagat kasama sina Mommy Pat, Kuya Isla, at Baby Ulap. 

Kasama rin sa kanilang newest adventure ang kanilang mga house angels at ang ilang miyembro ng Team Payaman na sina Mentos, Sonny J, at Tiyang Venice.

Sa vlog, talaga namang kuminang ang mga mata nina Kuya Isla at Baby Ulap habang ninanamnam ang ganda ng dagat. Hindi lang basta pakikitungo sa tubig ang kanilang na-experience dahil sinubukan din nila ang yacht adventure at ang thrilling na pagsakay sa jetski.

Father’s Mission

​Ayon kay Boss Keng, personal niyang misyon na maiparanas sa kanyang mga anak ang mga luxury activities na hindi niya naranasan noong siya ay bata pa. 

“Guys, isa ‘to sa mga hindi ko nagawa nung 2 years old ako. Pero ngayon, ipaparamdam ko sa’yo, Isla Boy. Makapag-yate ka at makapagyabang ka sa kaibigan mo na 2 years old ka pa lang, nagya-yate ka na!” biro pa ni Boss Keng sa panganay na si Isla.

Bukod sa saya, layunin din ng bakasyong ito na itanim sa isipan ng mga bata ang pagpapahalaga at pagkalinga sa ganda ng kalikasan.

Team Payaman Energy

​Sa kabuuan ng vlog, talaga namang ramdam ng mga manonood ang positive vibe at pagmamahalan ng pamilya Velasquez-Gaspar. Sa kabila ng mga asaran at kulitan ay nangingibabaw pa rin ang kanilang tunay at komportableng samahan.

​Umani naman ng mga positibong reaksyon mula sa netizens ang nasabing vlog:

“Solid content na naman, Boss! Yung mabuhat mo nang sabay yung mga anak mo habang bata pa ay isa sa pinakamasayang karanasan sa buhay.”

“Ito inaabangan ko sa’yo Boss Keng, mga island life mo!”

“Chill lang ang edit, sarap mag-beach bigla! Cutieeee Isla!”

Watch the full vlog below:

Angel Asay

Recent Posts

Junnie Boy Shares Snippets of His Fun Netflix x One Piece Shoot Experience

Isang masayang behind-the-scenes ang ibinahagi ni Junnie Boy sa kaniyang vlog matapos siyang maimbitahan muli…

5 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Takes On Junnie Boy’s “Assistant and Driver for a Day” Challenge

Kumasa ang TP vlogger na si Vien Iligan-Velasquez sa ‘assistant and driver’ for a day…

4 days ago

Netizens React to Viy Cortez-Velasquez’s Heartwarming Valentine’s Day Surprise for Cong TV

Dahil sa hilig sa musika ni Cong TV, isang nakakakilig na supresa ang hatid ng…

4 days ago

Don’t Miss Viyline’s Clearance Sale & Buy 1, Take 1 Deals on Viy Cortez-Velasquez’s TikTok Live

Viyline Group of Companies is set to make waves this summer with an exciting Clearance…

5 days ago

Team Payaman’s Dudut Spreads Joy and Flavor in the Epic Return of ‘Dudut’s Kitchen Dayo’

Matapos ang halos isang taon, muling nagbabalik ang isa sa mga pinaka-favorite YouTube serye ni…

5 days ago

Ivy Cortez-Ragos Shares a ‘Sulit’ Quick Escape for the Summer Season

Dahil panahon na naman ng tag-init, may handog na fun activity reco si Ivy Cortez-Ragos…

5 days ago

This website uses cookies.