Sa pinakabagong vlog, isang kakaibang timpla ng pagpapakumbaba ang iginanti ni Cong TV sa kanyang “long-time basher” na si Pinuno.
Highlight ng vlog ang reunion ng dalawa sa Hong Kong Disneyland. Dito, binigyang-linaw ni Cong ang pinagmulan ng kanilang hidwaan na nagsimula pa noong taong 2020.
Ayon kay Cong, siya ang nagsilbing mentor ni Pinuno sa pagba-vlog noong magkaibigan pa sila dahil sa parehong hilig sa gitara.
Ngunit laking gulat niya nang gamitin umano ni Pinuno ang kanyang mga natutunan at “intel” mula sa loob ng bahay ni Cong upang sirain siya sa social media sa loob ng limang taon.
“Tinuruan ko pa nga siya mag-vlog eh, na isa siguro sa pinakamalaking pagkakamali ko sa buhay ko. Dahil para na rin pala akong gumagawa ng sarili kong hukay,” pag-amin ni Bossing sa vlog.
Sa kabila ng mga banat at tawag sa kanya ni Pinuno na “diablo” noong panahon ng pandemya, pinili ni Cong na magpakumbaba.
Sa kanilang paglilibot sa Hong Kong, tila naging peace offering pa ang pagbili ni Cong ng bagong gitara para kay Pinuno at ang pagtrato rito bilang bahagi ng grupo.
Ngunit habang tila redemption arc ito para kay Pinuno, may mas malalim na plano pala si Cong sa likod ng camera.
Inalok ni Cong si Pinuno na maging bida sa bagong music video ng kanyang bandang COLN na pinamagatang “LASON.”
Dito lumabas ang tunay na ganti ni Bossing. Sa loob ng music video, hindi isang tunay na bida ang papel ni Pinuno. Ano kaya ito?
Panoorin na ang “LASON” MV ng COLN para makita ang nakakanginig na transpormasyon ni Pinuno!
Watch the full music video below:
Sa pagnanais maging isang global influencer, sinama ni Cong TV ang kapwa Team Payaman members…
Isang matamis na food adventure ang hatid ng mag-inang Viy Cortez-Velasquez at Zeus Emmanuel Velasquez,…
Naguumapaw na pagbati ang natanggap ng Viyline Group of Companies Founder at CEO na si…
Sa kanyang pinakabagong vlog, muling ipinakita ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang…
Effortless shine without the sticky feel? Yes, that’s what Viyline Cosmetics’ Lip Glaze is all…
Sa kanyang latest vlog upload na “ARTISTA,” ibinahagi ni Cong TV ang kwento sa likod…
This website uses cookies.